PART 2 OF 6

499 19 0
                                        

PART 2 OF 6


"Ma, lalabas muna ako saglit. May bibilhin lang!" pagpapaalam ko kay mama habang abala siya sa pag-aayos ng mga bulaklak sa flower shop namin.


"Oh? Gabi na ah," nagtatakang sagot niya kaya huminto muna ako sa tapat ng pinto.


"Saglit lang naman ako, babalik rin agad" sabi ko kay mama na medyo hindi pa niya kaagad sinang-ayonan.


"Sige, basta umuwi ka kaagad. Baka hindi na kita papapasukin ulit," sagot niya na hindi ko nalang pinansin at agad na lumabas ng bahay.


My family owned two businesses. Hindi man ito gaanong kalaki pero sapat lang din naman para mabuhay kami. Malaki rin ang kita kaya masasabi ko rin minsan na may napagmamalaki din kami.


My mom owned a flower shop beside our house. She loves flowers and she loves taking care of them. My Dad on the other hand, owned a seafood restaurant na medyo malapit sa beach at malayo sa mismong bahay namin. Minsan ay madaling araw na siyang nakakauwi pero minsan naman ay hindi. Abala siya araw-araw lalo na't mahilig kumain sa resto namin ang mga turista.


Bandang alas nuebe na pala ng gabi pero nandito pa rin ako sa kalsada, naglalakad para pumunta sa malapit na 7/11 dahil biglang nagkaroon ng cravings. Ewan ko ba kung bakit ganito pero bigla nalang akong nagugutom kada gabi.


Tumawid ako ng dalawang kalsada bago naglakad ng kaunti hanggang sa makarating doon.


Bumungad saakin kaagad ang ginaw ng aircon pagpasok ko ng 7/11. Walang masyadong tao at may mahinang musika din na pinapatugtog.


Pumili muna ako ng bagong flavor ng ice cream bago pumunta sa beverage section para bumili din ng inumin. Hinanap ko din ang paborito kong junkfoods at tsaka tsokolate. Gosh, ang takaw ko pero hindi naman ako tumataba. Lol.


But when I was in the middle of grabbing a chocolate, I failed to catch it kaya nahulog ito sa sahig. Tsk. Napaluhod ako bigla habang hawak ang iba pang pagkain kaya medyo nahihirapan akong abutin ito ng maayos. Pero bago ko pa man talaga magawang pulutin ito ay may ibang kamay ang sumulpot at ito'y pinulot.


Then, I looked at him.


Napatulala ako saglit habang nakatayo at pilit kinakalma ang sarili. What is he doing here?


"Hey, are you okay?" nagising kaagad ang nakatulala kong diwa pagkatapos niyang magsalita.


"Anong ginagawa mo dito?!" dahil nagulat sa kanyang presensya ay hindi ako mapakaling binawi galing sa kanyang kamay ang tsokolateng nahulog at pinulot niya kanina.


Jusko, nahihiya na nga akong makita siya tapos pinagtatagpo pa rin kami? Ano ba talagang ginagawa ng tadhana sa mga buhay namin? Pinapa konsensiya ba talaga ako o paulit-ulit lang talaga na hinahampas saakin ang mga kahihiyang nagawa ko? Tangina. Pero kailangan ko pa ring umaktong hindi naaapektuhan para mabawasan naman ang mga kasalanan ko sa kanya.

When The Rain Falls (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon