CHAPTER 1

885 14 2
                                    

Anyways guys, Mga bata pa po sina Zackharius at Shaneley dito. 22 palang si Zack, 18 naman po si Shaneley. Madami pa po ang ka abang abangna mangyayare sa buhay nang dalawa. Kaya sana po suportahan at abangan po nnyo. Lovelots!

CHAPTER 1

"ANG GWAPONG BATA naman nito. Sana ganito din magiging asawa ko sa susunod kong buhay." Rinig kong saad nang Tita Norma ko.

"Aba'y Norma! Tigil tigilan mo yang pangangambisyon mo! Mangangarap ka nalang din dito pa sa bisita nang pamangkin natin. Aba reserve na sa pamangkin natin iyan!" Sermon nang tita kong Tita Carmela. Imbes matuwa sya ay napa iling iling sya dahil sa kabaliwan nang mga tita nya.

"Pwede ba mga tita, itigil nyo na yang kahibangan nyo?"

Sabay ang dalawang napatingin sa kinaroroonan nya. Pinaningkitan at tiningnan sya ng masama.

"Ano bang masamo dun, ha? Totoo naman. Aba! Shaneley, di ka ba nagagwapuhan sa bisita mo?" saad ni Tita Norma habang tinuturo ang walang malay na lalake sa higaan nya.

"Magsitigil ka, Norma. Kahit di sabihin nang pamangkin natin halata namang nagagwapuhan sya. Kaya nga nya dinala dito diba, Shaneley?" Tanong naman ni Tita Carmela habang nakapa meywang na tumingin sa kanya. Halatang hinihintay ang pag sang ayon niya.

Ikinailing nalang nya ang sinasabi nang dalawa. Hindi nya man aminin ay nagagwapuhan din sya sa lalake. Dito sa probinsya nila ay bihira lang ang may ganung hitsura. Hindi naman sa nanlalait sya pero totoo naman. Lahat dito ignorante. Maliban sa kanya. Nagbabakasyon lang sya dito.

Napa buntong hininga si Shaneley. Gustong gusto nang ina nya na makisalamuha sya sa mga pinsan nya sa probinsya nila. Kaya ipinadala sya nito dito kahit labag sa kalooban nya. Puro nalang daw kasi libro at pagsusulat ang inaatupag nya. Ayaw man nya. Wala syang magagawa. Ang masaklap pa pinipilit sya nang ina nyang sumali sa mga Mr. & Ms. Contest dito.

I have no choice. Ang hirap talaga pag mabait ka.

Napakurap sya nang may marinig na pag pitik nang kamay. Umangat sya nang tingin para lang makita ang Tita Carmela nya na masama ang tingin sa kanya.

"Kanina pa kami nagsasalita dito di ka naman nakikinig. Kanina ka pa nakatulala, iniisip mo ba iyan?" Napamulagat sya nang ituro nito ang walang malay na lalake.

"Tita naman. Never." Sagot nya habang nakataas ang isang kilay. Hindi na nya talaga makaya ang kahibangan nang mga taong nakapaligid sa kanya ngayon.

Nung dumating sya dito kahit sino nalang ang pinapakilala nang mga tita nya sa kanya. Kahit hindi naman nya mga pinsan ang mga iyon. Eighteen na sya pero isa pa lang ang naging boyfriend. Madami namang nanliligaw pero sadyang di lang talaga sya interesado. Takot na syang maloko at paglaruan. Sa panahon ngayon madami na ang manloloko at manggamit. Kaya mas mabuti pang tumandang dalaga.

"Hay nako! Ewan ko sayo. Osya! Iiwan ka na namin ,pupunta na kami sa bayan para mamili nang ihahanda sa byernes. Ikaw nang bahala sa kanya , Shaneley ha?" Paalala nang Tita Norma nya. Tinuro ulit nito ang lalaking nakahiga sa kama nya. Wala syang sagot kundi tango lang.

Nang mawala sa paningin nya ang dalawa nyang Tita. Binalingan nya nang tingin ang walang malay na lalake.

Tiningnan nya nang maigi ang kabuoan nito. Nang makita nya ito doon sa baybayin akala nya ay natutulog lang ito. Pero nang malapitan nya ito nakita nya na duguan ito. Kaya dali dali syang lumapit at tiningnan kung buhay pa ba ito o humihinga.

Naaalala pa nya ang kulay nang mga mata nito. At ang huling sinabi nito sa kanya.

"J-just...s-stay...h-hermosa—." Parang sirang plaka na paulit ulit nyang naririnig sa isip nya ang sinabi nito. Ayon sa kaalaman nya ang ibig sabihin nang 'hermosa' ay maganda. It's a spanish language. Posible kayang espanyol ito?

ILLEGAL SEDUCTION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon