- Isang chapter muna para sa POV ni Shaneley kasi tinatamad ako eh. 😄 enjoy reading.
CHAPTER 16
ILANG ARAW NA NUNG NAGTAPAT si Haru kay Shaneley. Akala nya ay magbabago ang pakikitungo nito sa kanya o magiging awkward ang pagitan nila pero nagkamali sya.
Dahil mula noon ay naging mas close pa sila at naging mas masayahin ito ngayon.
Palagi narin nila itong kasama kahit saan kapag namamasyal o gumigimik sila, pati si Stephanie ay kasama na rin.
Mahigit isang linggo na rin mula nung pumunta sila sa bahay nila Ella.
At mahigit dalawang linggo na rin na hindi tumatawag si Zackharius sa kanya. Medyo namiss nya na ito pero ano magagawa nya?
Edi maghintay.
Kahit papaano ay nababawasan ang lungkot at pag iisip nya dahil sa mga kaibigan.
Ngayon ay papunta sila sa isang eat all you can na restaurant na gustong gusto ni Ella.
Kung kahapon lang ay galing sila sa apartment ni Katana para tumambay at ubusin lahat ng stocks nitong pagkain ngayon naman ay trip na naman nila ang eat all you can.
Buti nalang napag pasensyahan sila kahapon ni Katana.
Buti nalang talaga at mabait si Katana sa nga makakapal na mukha nyang kaibigan.
Parang di pinapakain ng mga magulang. Tsk.
Nang makapasok ay agad sila naghanap ng pwesto na kasya silang walo.
Imbes na pwesto ay isang grupo ang bumungad sa kanila na kilalang kilala nya.
"Hey, Shaneley! Good to see you again." Maarteng saad ni Kelly.
Nandito rin pala ang mga ito kasama ang mga alagad.
Di lang si Clint at Kelly ang nandito kundi ang buong barkada ng mga ito.
Napatingin ang mga ito sa gawi nila. "Yow." Sabay sabay na bati ng mga ito na parang pinagtatawanan pa sila.
"Ano sugudin naba namin?" Bulong ni Ella at Rylen sa tenga nya ngunit umiling lang sya.
"Hello." Bati nya sa mga ito.
"Kakain rin ba kayo? You can share a seats with us." Aya ni Kelly, si Clint naman ay nakataas lang ang dalawang kilay na nakatingin sa kanila.
Tiningnan ni Kelly ang mga kaibigan nito na kanina pa parang pinipigilan ang tawa saka sya binalingan ng tingin.
"Oh. Puno na pala kami. Sorry." Saad nito saka maarteng tumawa, tumawa rin ang mga hudyp nitong mga kaibigan pati si Clint.
"Ano nakakatawa dun?" Rinig nyang bulong ni Jezyl.
"Mga baliw." Saad naman ni Ivy.
"Parang mga tarantado lang." Si Gab.
Napataas na rin ang kilay ni Stephanie, "Gusto mo sampalin ko yang, palaka na yan?" Bulong ni Stephanie sa kanya.
"Steph." Pigil ni Haru dito.
"Wag na, Steph." Balik-bulong nya rito. Tumango nalang ito at bumalik sa tabi ni Haru.
Tipid syang ngumiti sa mga ito. "Ang bait mo naman. Pwede na ba kita gawaran ng Most plastic in the world?" Sarkastiko nyang tanong ni Kelly na tumaas ang isang kilay.
"Ako plastic?" Tanong ni Kelly sa kanya habang tinuturo nito ang sarili.
Imbes na sya ang sumagot, sumapaw si Ivy sa usapan.