CHAPTER 11
FIRST DAY OF SCHOOL pero stress na stress na sila sa dami ng mga activities sa school.
Kaya heto sila ngayon naka stambay na naman sa cafeteria ng school habang nakikinig na naman sa kadramahan ni Ella.
"Alam mo, Ella. Ang drama mo." Nakataas ang kilay na reklamo ni Rylen.
Ella just looked at Rylen flatly, "Edi wag kang makinig, bruha ka."
Napailing iling nalang silang apat, bigla namang sumulpot si Stephanie sa harap nila at kasunod nito si Haru.
"Hi guys!" Bati nito sa kanila at umupo sa tabi nya, si Haru naman ay kumuha ng upuan sa kabilang mesa at umupo sa harap nila.
"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong niya sa mga bagong dating.
"Galing ako sa library." Anang Haru.
"May pinuntahan lang ako." Saad ni Stephanie at nagkibit balikat.
Napatango tango nalang siya, pero ang totoo may nahahalata sya sa dalawa.
Smells something fishy.
Buong hapon ay naka tambay lang sila sa cafeteria dahil tapos na ang mga klase nila nang biglang sumulpot ang Dean sa harapan nila.
They stunned as the Dean of the school stand in front of them, stunning because of its gorgeous look.
Siguro kung hindi pa dumating si Zackharius sa buhay sigurado syang isa din sya sa mga estudyanteng may gusto dito.
But nah...My Zack is more handsome and gorgeous.
Nag iwas nalang sya ng tingin dito, di nya alam kung bakit nandito ang dean sa harap nila.
Dahil ba sa ilang oras na silang nakatambay dito?
Who knows?
"Wala na kayong mga klase?" Baritonong tanong ng Dean sa kanila.
Lahat sila napalunok at napatango tango maliban nalang sa katabi nyang busy sa cellphone at naka earphones.
The Dean of the school is really scary, from the looks, voice, eyes to its appeal.
"Ahm..Sir, may kailangan po ba kayo?" Lakas loob na tanong ni Ella.
"Gusto nyo po juice? Tubig? Snack? o ako? Dejoke lang, sir." Singit ni Rylen,napatingin nalang silang lahat rito ng masama habang si Jezyl naman ay bahagyang hinila ang buhok ni Rylen na ikinaigik at ikinasimangot ng huli.
Tumikhim muna ito saka nag ayos ng eye glass na suot bago nagsalita,"I'm here for, Ms. Ellena." Saad nito habang tinitingnan ang katabi nya.
Sila namang lahat ay nagkatinginan tapos napunta lahat ang atensyon nila kay Ivy na naka earphones pa rin.
Mahina nyang siniko ang katabi dahilan para mapatingin ito sa gawi nya kasunod ay sa dean.
Ivy just rolled her eyes before pulling out her earphones, walang emosyon itong tumingin sa dean habang nagkukrus ng mga braso sa dibdib.
"Ano kailangan mo?" Tanong ni Ivy sa walamg emosyon.
"Ms. Ellena, nagreklamo ang proff mo dahil sa gumagamit ka ng cellphone at nag eearphones ka tuwing class hour." Chill lang ang pagkakasaad ng dean nun pero randam mo ang takot sa bawat salita nito.
"Pake ko?" Pero tila ngang walang takot itong si Ivy.
"Ms. Ellena, you're at school. You should know the rules and regulations. Why can't you keep that in mind? Last year ganito rin ang nangyare. Hindi ka ba nagsasawa na lagi ka nalang nagaguidance sa ginagawa mo?"