CHAPTER 4

361 12 0
                                    

CHAPTER 4

"TITA CARMELA, pwede po ba kumalma muna kayo. Mas kinakabahan pa kayo keysa sakin eh." Ngayon ang araw ng contest para sa Mr. & Ms. dito sa bayan nila Shaneley. Fiesta kasi ngayon kaya madami ang naghahanda, pati ang mga pinsan at iba pa nyang kamag anak ay abala rin sa paghahanda.

Pero hindi nya maialis ang atensyon nya sa Tita Carmela nya na kanina pa pabalik balik sa nilalakaran. Halata ang kaba sa mukha nito habang parang nag iisip.

"Hoy Carmela tumigil ka nga, nahihilo ako sayo eh." Saway ng Tita Norma nya na abala sa paghahanda sa gown at mga make up na gagamitin.

Tita Carmela looked Tita Norma flatly. "Pano ako kakalma ha, Norma? Pano kung matalo yang pamangkin natin?" Napabuntong hininga nalang sya at tumayo.

Niyakap nya mula sa tagiliran ang Tita Carmela nya, pinapakalma nya ito.

"Tita, Manalo o Matalo ang importante binigay natin ang best natin diba?" Ngumiti sya ng pagka tamis para ipaalam sa Tita nya na ayos lang kung matalo sya sa contest.

Nakakasiguro naman kasi siya na mas maraming magaganda at mas deserve makuha ang trophy at ang korona. Ngayong araw na ito ang pinaghahandaan nang lahat, medyo kinakabahan man ay pinanatili nya ang maging kalmado.

Mas napangiti sya nang makitang kumalma ang Tita nya.

"Oh nandito na pala si Yuki oh." Narinig nyang saad ni Tita Norma mula sa likuran nila. Napatingin sya sa pintuan nang pumasok mula doon si Yuki.

Si yuki ay isang baklang make up artist na kaibigan ni Tita Carmela na naging close nya din.

Ngumiti ito sa kanya nang makita sya nito.

"Oyyyy! Shaneley mahfriend! Kumusta kana gurl?" Ngumiti sya dito at inilahad ang sofa para umupo ito doon.

Nang makaupo sila pareho ay doon lang nya sinagot ang tanong nito.

"Okay lang naman , ganun pa din. Ikaw?" Sagot nya

"Aba ey! Okay rin!May boyfriend na si akech!" Tili nito na parang iniimagine ang sinasabi nitong boyfriend.

Napangiwi sya. "Baka naman masaktan ka na naman nyan ha." Nababahala sya para sa kaibigan dahil madami na itong pinag daanan sa buhay, gusto nyang maging masaya ito kasi deserve nito iyon.

"Nakuuu! Hinding hindi noh! Sa america nakatira si fafi! Nakilala ko lang sya sa mga dating website eh noh."

"Baka mascam ka , yuki." Babala nya dito.

"Asus! Di naman ako magpapadala gurl."

Napabuntong hininga nalang sya. Di nya mapipigilan si Yuki pero tahimik syang nagdarasal para dito na sana maging masaya at may taong mag mamahal at tatanggap sa pagkatao nito.

Ngumiti sya at tinapik ang braso nito. "Mabuti pa ay magsimula na tayo. Ayusan mo na ako at make up-an."

Pinitik lang nito ang daliri at inihanda ang mga gagamitin.

Habang inaayusan at minemake up-an sya ni Yuki bigla nya itong narinig na magsalita mula sa likuran nya.

"Teka sino pala si fafi mo?" Napakunot ang nuo nya sa tanong nito.

"Fafi?"

"Oo. Partner mo gurl, sino? Gwapo ba? Mesherep be?" Tanong nito na ikinangiwi niya.

At dahil sa tanong nang baklitang ito ay naalala nya si Zackharius, kanina pa ito wala at hindi nya pa nakikita mula pa kaninang umaga. Hiniram kasi yun ng Tito Henry nya para magpatulong sa paghahanda. Hindi nya alam kung nasaan o ano na ang ginagawa nito.

ILLEGAL SEDUCTION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon