CHAPTER 44
BEFORE THE PLAN STARTED:
Nang makalabas si Creasant ay agad syang nagpara sya ng taxi.
Nang may huminto sa harapan nya ay kaagad sya doong sumakay. Tiningnan nya ang cellphone nya na may email galing kay Grey.
Nakapaloob sa email na iyon ang address kung saan ito. Kinakabahan sya habang patungo roon.
Hindi nya kakayanin kapag may mangyareng masama sa mga kaibigan nya, lalo na sa ama nya.
Alam nyang mag aalala sa kanya si Zackharius pero kailangan nyang unahin muna ang kaligtasan ng mga bihag ni Grey kapag hindi sya pumunta.
Napahilot sya sa sentido. Hindi lang naman iyon ang kailangan nya, kailangan nya rin ang katotohanan.
"You want to know the truth?" Napatigil sya sa pag iisip nang biglang magsalita ang driver.
Ako ba ang tinutukoy nya? Tanong ng isang bahagi ng kanyang isip.
Dalawa lang sila sa sasakyan kaya siguro sya ang tinatanong nito.
Napataas ang isa nyang kilay. "Ahm...who are you talking to?" Tanong nya rito.
"You...sino pa nga ba?" Napatulala sya dahil marunong pala itong magtagalog.
Pamilyar rin ang boses nito. Kaso di nya makita ang mukha nito. Naka cup kasi ito at naka mask.
"Ahm..."
"You're really persistent to know the truth?" Tanong nito sa kanya.
"Ano bang pinagsasabi mo, manong?" Balik tanong ny rito.
Hinubad nito ang cup na suot pati ang mask saka biglang huminto dahilan para maiuntog nya ang ulo sa likod upuan ng sasakyan.
Napahilot sya sa sentido dahil biglang sumakit ang ulo nya. Tumingin sya ang masama sa driver pero biglang napalitan iyon ng gulat nang mapagtanto kung sino ang nasa harap nya.
"Manus?"
Ngumisi ito. "Yeah, wolf here."
"Anong ginagawa mo? Diba dapat kasama mo si Zackharius? Bakit ka driver ng taxi?—"
"Slow down...mahina ang kalaban...I am here to help you unveil the truth, Crest." Saad nito saka bumuntong hininga.
"What do you mean?"
"I'm helping you...I heard you and Grey talk on the phone and that time, I already opened the bomb."
"Ano yun?"
Seryoso itong tumingin sa kanya. "Before that, i'm gonna tell you everything."
"Grey would tell me everyrhing...the truth."
"Do you really trust that man, Creasant? Ten years and all those years, he keep brainwashing the hell out of you." Anang Manus.
Bigla naman syang natahimik.
"But Grey—"
"You really believe that man?"
Umiling iling sya habang sapo sapo ang ulo nya. Hindi na nya alam pa ang sasabihin kaya tumingin sya nang seryoso kay Manus.
"Then tell me the truth, Manus."
"I know Zackharius wouldn't tell you this because he don't want to force you at all, pero ito ang tamang oras para malaman mo. Makakaya mo ba?"