SPG.
CHAPTER 7
PARANG KAHAPON LANG NANG MAGISING sya ay wala na rin si Zackharius sa tabi nya.
Kanina nang makauwi sila ay sinermonan pa sila ng Tita Norma nya, si Tita Norma lang kasi alam nyang may alam rin itong si Tita Carmela sa plano ni Zackharius kahapon.
Nang maayos nya na ang kama at nakapag bihis ay agad syang lumabas sa kwatro at tinungo ang sala, nang makitang walang tao agad nyang tinungo ang kusina para hanapin ang dalawang tyahin pero ang nahanap nya lang ay isang sticky note na nakalagay sa ref.
Agad nyang kinuha iyon para basahin.
- Shaneley, o kung sino man ang makakabasa nito, mamaya pa kami uuwi nasa lungsod kami. Kung kakain kayo nagluto kami dyan bago umalis. Sasamahan ko lang itong si Norma sa pamimili. Wag na rin kayong maghintay baka gabihin pa kami.
- Tita Carmela.
Napa isip isip sya kung okay lang ba si Tita Norma nya.
Kanina kasi nung makauwi sila ay napagpasyahan nilang dalawa ni Zackharius na sabihin sa mga tyahin nya na aalis na ito.
Walang imik lang kanina si Tita Norma pero alam nyang di ito okay.
Napabuntong hininga nalang sya, pati rin naman sya hindi rin okay pero wala naman syang magagawa.
Bilang asawa kailangan nyang suportahan at pagkatiwalaan si Zackharius. Dahil doon ay naalala na naman nya yung napag usapan nilang dalawa bago umuwi.
Kailangan nilang panatilihin na nakatago ang relasyon nilang dalawa, kahit sa mga kaibigan,kamag anak at mga magulang nya hindi pwede, bilang dise otso pa ang edad nya at nag aaral pa kailangan nya ring itago iyon para sa kapakanan at kaligtasan nya at ng pamilya nya.
Ayaw naman talaga nya iyon, at ayaw rin ni Zackharius pero sa klase nang buhay na meron ito?
Imposibble na mamumuhay sila ng tahimik o di kaya ay gamitin syang pain laban sa asawa na ikinatatakot nya. Kaya sumang ayon nalang sya sa desisyon nito bilang ito naman talaga ang mas may alam.
May tiwala sya kay Zackharius at mahal nya rin ito kaya hinahayaan nya ito kung ano ang mas ikabubuti sa kaniya at sa kanila.
Inilagay nya sa bulsa ng short nya ang sticky note at lumabas ng bahay para hanapin si Zackharius.
Nang di mahanap sa mga kabahayan ay tinungo nya ang likod bahay na may maliit na kubo na pinagawa mismo ng Tita Norma nya para istambayanan nito.
Habang patungo roon ay lihim nyang pinagdarasal na sana nandoon ito roon at tama ng sya. Akmang lalapit sya rito nang makitang may kausap ito sa cellphone nito.
Kaya hindi na sya tumuloy at nakinig nalang sa usapan nito sa kabilang linya.
"Yes, I'll going home tommorrow just sent Baxxe here to assist and for my protection also." Zackharius paused. "I'm still wanna spend my whole day with my wife, Cal." Silent. "Shut up! I don't fucking care!—" Silent again. "Fuck you! Don't you dare investigate or trace my hermosa or else i'm gonna kill you!" Went silent again. "Fuck off, bastard!" Pagkasabi nun ay pinatay na nito ang tawag.
Doon lang sya lumabas at lumapit rito. "Hi." Tumingin ito sa gawi nya, hinila sya nito at niyakap ng mahigpit sa beywang.
"Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong nya rito at tango lang ang sagot nito.
Ilang minutong katahimikan ang namuo sa kanila ng magsalita ito.
"I talk to Auntie Norma earlier." Saad nito habang nakayakap pa rin sa kanya.