CHAPTER 33
"ANO BANG GINAGAWA MO RITO, MR. ZACKHAR? YOU'RE CLEARLY TRESSPASSING!" Singhal nya rito ngunit ngumisi lang ang hudyo.
"How many times do I have to tell you that you call me Zack." Saad nito at nagkrus pa ng mga braso sa dibdib.
She heaves a deep breath to control her anger. "Okay Zack, pwede pa umalis ka na."
Umiling ito. "Don't want to."
Peke syang ngumiti. "Ano ba ang kailangan mo?"
"You." Diretsahan nitong sagot habang nakatingin sa kanya.
Napalunok sya nang makita nyang napalabi ito habang nakatingin sa kanya. He was seducing her.
Wag kang magpapadala!
"If you're here to take about the negotiating, pwede bang ipagpabukas mo nalang? I'm busy." Saad nya saka tinalikuran ito.
Binuksan nya ang cabinet sa bed side table nya.
"You're busy? Really? You're even dancing while taking off your clothes." Saad nito na parang wala lang dito na naghubad sya.
Kinuha nya ang baril nya mula sa cabinet saka itinutok iyon kay Zackhar.
"Pervert!" Sigaw nya rito pero tumawa lang ang hudyo.
May nakakatawa ba talaga sa sinabi ko?
Kapagkuwan ay tumigil ito at tiningnan sya sa mga mata. Kakaiba na ang titig na iginawad nito sa kanya. Hindi nya mabasa ang emosyon na meyroon ito.
"You really don't remember me, Shaneley?" Parang bumilis ang tibok ng puso nya hindi lang dahil sa tanong nito kundi sa pangalan na itinawag nito sa kanya.
Parang pamilyar ang pangalan na iyon pero hindi nya maalala.
Nahalata nya rin na biglang lumungkot ang mukha ni Zackhar. Pati ang boses nito.
"I wonder if it's that's really you, or just ahm..." Saad nito. Kita nya ang lalim ng buntong hininga nito saka tumayo at namulsa.
Tinalikuran sya nito na nakatutok pa rin dito ang baril.
"Sino si Shaneley?" Tanong nya rito na ikinahinto nito sa paglalakad.
"My first love." Saad nito saka sya binalingan ng tingin. "My wife."
"Bakit mo naman nasabi na ako sya?"
Tiningnan sya nito mula ulo hanggang paa. Kapagkuwan ay dahan dahan itong naglakad papalapit sa kanya. Inayos nya ang pagkakatutok ng baril rito.
Pero sadyang mahina ng talaga sya dahil hinayaan nya lang itong makalapit sa kanya.
"Everything on you...looks like her." Bulong nito sa tenga nya. Tumingin ito sa baril na hawak nya."Kaya mo ba talaga akong barilin, hermosa?"
Napalunok sya sa boses na iyon ni Zackhar. Tinatagan nya ang loob nya.
"I'm gonna pay millions if I can." Pang hahamon nya rito ngunit ngumisi lang ito.
"Good. That's my hermosa." Mahina pa nitong tinapik tapik ang ulo nya saka hinagod ang buhok nya.
Narinig nyang may kumatok sa pinto ng kwarto nya mula sa labas.
"Madame, we're here to bring your dinner and your meds." Boses iyon ni Eve.
"Wait a minute!" Sigaw nya para marinig ng mga ito.
"Kailangan mo nang umalis, Zack or else...i'll shoot you." Mahina lang itong tumawa saka nag nakaw ng halik sa pisngi nya na ikinagulat nya.
Naglakad ito patungo sa pinto ng teresa, lalabas na sana ito ng napahinto ito sa paglalakad.