CHAPTER 22

179 7 0
                                    

a/n: continuation; para sa inyo pa rin itong chapter na 'to. Enjoy reading!

Slight mature content. 🙆

CHAPTER 22

"ZACKHARIUS, YUNG MGA KAIBIGAN KO! NAIWAN SILA DOON, ZACK!" Saad nya kay Zackharius na nagdadrive ng mabilis.

Kanina pa sya kinakabahan para sa mga kaibigan simula nung marinig nya ang mga putok ng baril at ang paglabas ng mga nakaitim na mga lalaki sa kung saang sulok.

Kaya naman ay hinila sya ni Zackharius papunta sa isang itim na kotse, at heto na nga sila, nakasakay sa kotse habang may humahabol sa kanilang sasakyan na hindi nya alam kung bakit sila hinahabol.

Naguguluhan at kinakabahan sya sa mga nangyayare. Si Zackharius na nagmamaneho ay panay ang tagis ng bagang, habang may nakasalampak na earpads sa tenga nito.

Pero ang mga kaibigan nya!

"Zackharius, nakikinig ka ba? Yung mga kaibigan ko, di natin sila pwede iwan baka kung ano ang nangyare sa kanila-"

"Hermosa, they were fine. Baxxe and Maximos' team are there." Pagpuputol nito sa mga sinabi nya habang naka focus pa rin sa daan ang tingin.

May nagpaulan naman sa kanila ng bala na nagpa taas ng kanyang dugo sa kaba. Akala nya ay may matatamaan ni isa sa kanila ni Zackharius ngunit wala.

Bulletproof ba ang sasakyan na to?

Mas tinodo pa ni Zackharius ang bilis ng sasakyan, kinakabahan sya na baka mabangga sila pero sadyang ang galing talaga ni Zackharius sa pagmamaneho para iwasan ang mga sasakyan na dumadaan.

Kinuha nya ang pouch na nasa dashboard, kapagkuwan ay inilabas nya mula roon ang cellphone nya.

Idinial nya ang number ng ina nya ngunit hindi macontact, nagsimula na syang pagpiwasan dahil sa kaba at takot. Di nya macontact ang ina nya, baka may nangyareng masama.

Tumingin sya kay Zackharius na panay ang tiim bagang. "Zackharius, puntahan natin ang mga magulang ko baka may nangyareng masama sa kanila. Kinakabahan ako, Zackharius please...puntahan natin sila...please-"

"Hermosa!" Napaigtad sya sa pagsigaw ni Zackharius sa kanya. Nang natahimik sya ay gulat itong napatingin sa kanya kapagkuwan ay lumambot ang ekspresyon ng mukha nito.

So iyon pala ang iba nyang side? Nakakatakot.

"Sorry...Dionysus and Manus' team is already there. I already planned this one." Saad ni Zackharius sa mahinahon na boses.

Tumango lang sya at hinayaan na ito. Narinig pa nya na may kinaukausap ito, siguro sa earpads iyon.

Hindi nya alintana ang pamamaril at pagsunod ng mga kalaban sa kanila. Siguro ay alam nyang hindi sya pababayaan ni Zackharius.

Pero naaalala nya pa rin ang pag sigaw ni Zackharius sa kanya, yun ang unang pagkakataong sinigawan sya nito. Kaya nakakagulat lalo na sa mukha nitong galit na galit.

Buong byahe ay naging tahimik nalang sya kahit may namamaril pa sa kanila, hanggang sa tamaan sya ng antok at makatulog.

NANG MAGISING SI SHANELEY ay nakita nya na nasa isa syang di pamilyar na kwarto. Ipinalibot nya ang tingin sa buong kwarto ngunit hindi talaga pamilyar sa kanya.

Tumayo sya mula sa pagkakahiga at akmang lilibutin pa ang buong lugar ng may lumabas galing sa banyo.

Napaawang ang labi nya ng makita si Zackharius na naka topless, nakabalot ang tuwalya nito sa beywang nito upang takpan ang maselan nitong parte ng katawan.

ILLEGAL SEDUCTION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon