CHAPTER 40
"VARKHON, WALA BA TALAGANG BALITA SA AMA KO?" Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang tumakas sila sa mansyon at nasisiguro syang hinahanap na sya ni Grey.
Dalawang buwan na rin mula nang wala syang balita sa ama nya, ni contact wala.
"Sorry, Sigñora." Anang Varkhon. Napahilot sya sa kanyang sentido.
Nagsisimula na syang mag alala rito, nung isang araw rin kinontak nya sina Calibre at Clover pati si Light na isa rin sa pinagkakatiwalaan nya sa bar ngunit di rin nya ang mga ito macontact.
Masama ang pakiramdam sa mga nangyayare, alam nya kasi kung gaano ka dumi maglaro si Grey. Sumasakit na ang ulo nya sa kakaisip.
Pati ang mga tracker nya di rin mahanap ng mga ito ang ama nya. Sa mga panahon na ito, kailangan nya ang tulong ng ama lalong lalo na ang mga kasagutan sa mga tanong nya.
Hindi nya pa natatanong kay Zackharius ang nangyare sa kanya noon kasi naging abala rin ito.
Napabuntong hininga nalang sya. Hindi nya na alam ang gagawin, dapat ba nyang sabihin kay Zackharius?
Bigla nalang syang may naramdaman na bisig na yumapos sa beywang nya.
"You okay?" Bulong nito sa tenga nya. Nilingon nya si Zackharius at yumakap rito na para bang kumukuha sya rito ng lakas.
Hinagod nito ang likod nya at tinapik tapik. "Hermosa, you can tell me."
Nag angat sya nang tingin rito at nagtama ang mga mata nila. Di sya makapag salita, ayaw nyang alalahanin nito ang sarili nyang problema.
Nakapag desisyon na syang ikimkim ang problema nang...
"Mr. Vikolov, we need your help." Nanlaki ang mga matang nilingon nya si Heia. Kahit kailan napaka ingay talaga ng bruhang to.
Napatingin si Zackharius rito. "Help for what?"
"Sorry, Sigñora I didn't told you about this...you're friends got kidnapped including your father." Parang napako ang mga paa nya sa kinatatayuan at nanlambot ang tuhod.
Mas lalong sumakit ang ulo nya, nasapo nalang nya ito. Kasabay nun ay ang pag ikot ng paningin nya at paglamon ng kadiliman.
"HERMOSA!"
"SIGÑORA!"
Lahat sila ay nagulat sa biglang kawalan ng malay ni Shaneley pati sya ay nagulat rin buti nalang ay nasalo nya na ito bago pa ito bumagsak sa sahig.
Agad nya itong binuhat patungo sa mahabang sofa at inihiga roon.
Nag aalala sya rito. Siguro andami nitong iniisip kaya nawalan ito ng malay lalo pa't kinidnap ni Grey ang mga kaibigan nito at pati si Gustavo.
Alam nya na iyon dahil isa sa mga kaibigan nito, ay kapatid ni Thunder.
Ang pinagtataka nya lang ay bakit pati si Gustavo? Alam naman nyang ama amahan ito ni Creasant pero hindi ba nito nakaya si Grey?
Ilang araw na rin syang naging abala sa pagplano kasi bago nito tinawagan ang isa sa mga tracker ni Creasant ay sya muna ang pinagbantaan nito.
Ngayon nakakasiguro syang malakas ang pwersa nila dahil galit na galit si Douglas. Si Calus rin ay galit sa di nya malamang dahilan, nalaman rin ito ng royal family ng italy na nakidnapped si Light.
Kailangan na namin kumilos.
Napakuyom ang kamao nya at napatingin sa apat na may bahid ng pag aalala ang mukha.