CHAPTER 41

151 4 0
                                    

CHAPTER 41

NAGISING SI SHANELEY SA MAHABANG SOFA, nasapo nya ang ulo nang sumakit iyon.

Nawalan ba ako ng malay?

Napalinga linga sya sa paligid ngunit wala syang mga taong nakikita. Kaya naman ay pumunta sya nang kusina kung tingnan kung may tao na ngunit wala rin syang nakita kaya naman ay bumalik sya sa sofa na kinahigaan nya kanina at pabagsak na umupo roon.

Naalala nya ang dahilan ng pagkawalan nya ng malay. Di sya makapaniwala na kaya pala di na nya macontact at mahanap ang ama ay hawak pala ito ni Grey, ngunit bakit?

Imbes na mabawasan ang mg katanungan sa isip nya ay mas lalo pa iyong nadaragdan. Nadamay pa ang mga kaibigan nya. Masyado talagang marumi maglaro si Grey.

Kaya naman ay kinuha nya ang cellphone sa bulsa nya saka dinial ang number ni Grey, buti nalang ay kabisado nya ang number nito. Ang secret phone kasi nya ang dinala nya.

Kinakabahan sya habang pinapakinggan ang pag ring sa kabilang linya. Ilang minuto pa ay sumagot na ito.

"Hello.." Sa boses pa lang iyon ni Grey ay mas lalo na syang kinabahan. "Creasant."

Nanlaki ang mga mata nya sa narinig. Bat nito alam na sya ang tumawag?

"Inaasahan ko na to. Alam kong tatawag ka dahil hindi mo matitiis ang ama mo at mga kaibigan mo." Saad nito na sinagot ang tanong sa isip nya.

Napakuyom ang kamao nya. "Grey, wag mong sasaktan ang ama ko at mga kaibigan ko. Kung hindi—"

"Kung hindi, ano? Hindi mo ako kaya, Creasant kaya kung ako sayo, bumalik ka nalang sakin at tutulungan pa kita."

"Hindi ko kailangan nang tulong mo! Wala akong kailangan sayo! Ayoko sayo—"

"You want to know the truth behind your lost memories, right?" Pagpuputol nito sa kanya.

Parang napaurong ang dila nya sa narinig. Oo! Gustong gusto ko malaman!

"Ano kayang mangyayare sa ama mo pag nalaman mo ang totoo?" Tumawa pa ito, napakunot ang nuo nya.

"What do you mean?" Tanong nya.

"Come here, and know it for yourself. I'll give you three hours to decide at kapag hindi ka pumunta rito, you'll know the consequences at wag mong subukang sabihin kay Zackhar to kung hindi patay talaga itong mga kaibigan mo."  Pagkasabi nun ay pinatay na nito ang tawag, kasunod nun ay may email na nagsend sa kanya.

Parang nanlamig ang buo nyang katawan. Gusto nyang magwala ngunit wala naman syang magagawa, hindi na nya kayang naghintay pa sa gagawin ni Zackharius.

Kailangan nyang pumunta roon para sa mga kaibigan at sa ama nya.

At para sa katotohanan na hinahanap nya.



NANG MAKALABAS SA ELEVATOR AY AGAD HINANAP NG MGA MATA NYA SI SHANELEY. Ngunit wala ito sa sofa na kinalagyan nya rito kanina.

Napatingin sya sa team nito na nakasunod sa kanya. "Go find your, Sigñora."

Agad tumalima ang apat. Lumapit naman sa kanya ang team nya at si Thunder.

"How is she? It's been a long time." Anang Thunder na ang tinutukoy ay si Creasant.

"She's good. She changed a lot." Sagot nya.

"Gustavo, might the one who changed her. Brainwashed, you know." Anang nito.

Tama si Thunder, kung sino man ang dapat sisihin sa lahat, yun ay si Gustavo lang.

Nagpatuloy pa ang pag uusap nang biglang dumating sina Vera at Eve.

ILLEGAL SEDUCTION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon