CHAPTER 9
NAGISING SI SHANELEY NG MAAGA hindi dahil sa ingay ng alarm clock kundi sa ingay ng mga baliw nyang kaibigan, na maaga pa lang ay kinukulit na sya.
"Hoy Shaneley! Bangon ka na!" Nakapa meywang na saad ni Ella sa kanya.
Mahigit limang araw na mula nung makabalik sya galing ng probinsya, at sa susunod na linggo na ang mag sa start ang klase nila bilang second year sa college.
Nung isang araw lang ay chinat sya nang mga ito na mamimili raw sila ngayon ng mga school supplies at iba pa na magagamit nila.
Kaya nga narito ang mga best friends nya kuno a.k.a bweset friends.
Tamad na bumangon sya sa kama nya at tiningnan ang mga ito ng masama.
"Oh ano yang tingin mo na yan? Gusto mo tusukin ko mata mo ng tinidor at ipasipsip ko sayo yung dugo mo?" Agad nalukot ang mukha nya dahil sa pagtataray ni Ella.
"Ano na namang k drama yan? Familiar eh." Singit ni Jezyl na nakaupo sa kam nya.
"Oo nga, xerox copy ka gorl?" Singit naman ni Rylen.
"Ang ganda kaya ng Black! Nandoon ang bebe ko!" Angal ni Ella.
"Oh? Pake namin?" Walang emosyon na saad ni Ivy.
Si Ella naman ay agad nagtago sa likod ni Gab. "Tingnan mo Gab oh, pinagtutulungan nila ako."
Umingos lang si Gab na ikinasimangot ni Ella.
Hinila sya bigla ni Ivy patungong banyo, "Maligo ka na ako na bahala sa mga damit na susuotin mo." Saad nito at tinulak sya papasok ng banyo.
Wala naman syang magagawa kaya sinunod nalang nya ang gusto nito.
Hays bwesit!
MATAPOS ANG PANGBIBWESIT NG UMAGA ng mga kaibigan ni Shaneley sa kanya, ay natagpuan nya nalang ang sarili sa school supplies department ng mall kasama ang mga hinayupak nyang mga kaibigan.
"Alam mo, Shaneley medyo naging blooming ka ngayon, ano sekreto mo?" Biglang singit ni Ella sa tabi nya habang namimili ng ballpen.
Agad naman syang napatigil sa ginagawa at tumingin dito. "Wala. Sabon lang."
"Ano namang sabon yan?"
"Safeguard." Sagot nya, ngumiwi naman ito at napasimangot.
"Yan din naman gamit kong sabon eh bakit di ako naging blooming." Reklamo ni Ella.
"Eh kasi wala kang jowa." Singit naman ni Rylen na halatang tinutudyo si Ella.
"Anong konek?" Ella looked Rylen flatly.
"Hindi ka blooming so wala kang jowa." Saad naman ni Ivy na nasa tabi nya.
"So ibig mong sabihin, may jowa na tong si Shaneley." Huli na nang marealize nyang nakatingin pala lahat ng kaibigan nya sa kanya.
"Ah wala akong jowa." Mabilis pa sa alas kwatro kung sya'y umiling.
"Tologo bo?" Di naniniwalang tanong ni Rylen.
"Oo nga." Kalmado nyang saad baka kung ano sabihin ng mga ito, baka mahalata pa sya kung saka sakali.
"Okaaay." Sabay na sabi ng apat maliban sa kanila ni Ivy.
Napailing iling nalang sya. Naalala pa nya ang ipinangako nya kay sa Zackharius na walang makakaalam ni sino s mga kakilala nya, baka kung mapaano sya.
Dahil dun ay kinuha nya ang cellphone mula sa bag, ilang araw na din mula nung huli silang magkausap yun pa yung umalis ito at hanggang ngayon wala pa rin syang natatanggap na tawag mula dito.