CHAPTER 8

290 8 0
                                    

CHAPTER 8

MAAGANG NAGISING SI ZACKHARIUS dahil sa ingay nang kanyang cellphone nang makitang alas kwatro na ng umaga ay napabuntong hininga na sya.

Bumangon sya mula sa pagkakahiga sa kama, kagabi nilipat nya ng higaan ang walang malay na si Shaneley.

Buti nalang ay di sila nahuli ng mga tyahin nito dahil sa ginawa nila sa likod kubo.

Nabalik sya sa kasalukuyan nang marinig ang cellphone nyang kanina pa nag riring, kinuha nya ang ikalawa nyang cellphone dahil ang isa nyang cellphone ay binigay nya kay Shaneley para matawagan nya ito ng ligtas mula sa russia.

Hindi na nya inabala ang sarili para tingnan ang caller ID agad nya iyong sinagot at bumungad sa kanya ang boses ni Calus sa kabilang linya.

"Your plane is all set. Baxxe is on the way." Ma awtoridad nitong sabi.

He heaves a deep breath. "Okay." That's all he can say but before he turned off the call, Calus spoke.

"We need to settle this as soon as possible, Zackharius...Congrats you deserve it." Saad nito at namatay na ang tawag.

Medyo gumaan ang pakiramdam nya dahil doon. Masaya sya na may mg kaibigan syang handang tumulong sa kanya, kahit na may kanya kanya silang paniniwala at ugali isa pa rin ang nananaig sa kanila yun ay ang pagkakaibigan nila.

Napatingin sya kay Shaneley na mahimbing ang tulog, pagod na pagod talaga ito dahil sa ginawa nila kagabi. Kaya naman dumukwang sya palapit dito at hinalikan ang nuo nito pagkatapos ay pinatakan ng halik ang labi nito bago nya tinungo ang banyo para maligo.

Pagkatapos nyang maligo ay agad syang nagbihis, nagsuot sya ng itim na statement t shirt na may nakalagay na 'pleasure is my kind of game' tapos nagsuot din sya ng faded black jeans na pinaresan nya ng black nike rubber shoes.

Nang matapos sya ay inihanda na nya ang dadalhin nyang gamit saka sya lumabas ng kwarto agad tumambad sa kanya ang mga tyahin nang dalaga na parang hinihintay sya.

"Hijo! Morning!" Agad na bati ng dalawa at malungkot na ngumiti sa kanya.

Walang salita, niyakap nya ang dalawa."Salamat po sa lahat." Pagpapasalamat nya sa mga ito at umayos ng tayo.

"Naku!okay lang, tulog pa ba yung pamangkin namin?" Tanong ni Auntie Carmela sa kanya.

Tumango lang habang si Auntie Norma naman ay hinila sya paupo sa sofa.

"Kailan ka babalik? Paano yung pamangkin namin? Kahit di nyo sabihin nahahalata namin." May bahid nang saya ang boses ni Auntie Norma pero ang ngiti nito ay parang malungkot.

"Babalik po ako pag tapos na lahat, babalikan ko po si Shaneley. Sa ngayon po kailangan ko munang tapusin ang nasimulan ko." Saad nya na ikinangiti nang dalawang tyahin. Akala nya ay magtatanong ang mga ito pero nanatili lang ang mga itong nakangiti sa kanya.

Kapagkuwan ay tumayo si Auntie Norma at nagtungo sa kusina habang sila naman ni Auntie Carmela ay nag uusap lang, nang makabalik si Auntie Norma sa sala may dala na itong tray na puno ng pagkain at echo bag na hindi nya alam kung ano ang laman.

Pinatong nito sa maliit na lamesa ang tray at binigay sa kanya ang echo bag.

Tiningnan nya nang may pagtataka si Auntie Norma.

"Ano po ito?"

"Ah! Bumili kami kahapon nang mga pasalubong para madala mo doon sa russia. Mga dried mangoes ang ilan dyan hindi ko alam kung ano yung iba pero sigurado ako na magugustuhan mo. Oh sya! Kain na baka gutumin ka pa sa byahe." Ngumiti ito sa kanya.

ILLEGAL SEDUCTION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon