a/n: dedicated for @crazysirene, don't lose hope to pursure writing kahit wala mang bumasa sa story mo, always remember that you have me & my full support. Kaya mo yan! Loveyou.
Enjoy reading!
CHAPTER 24
"HERMOSA, ARE YOU OKAY? Kung gusto mo kami nalang ang papasok roon para hindi ka mapahamak—"
"No, i'll come with you. Nandoon ang mga magulang ko. Kailangan ko silang makita."
"But, hermosa—"
"No buts, Zack. My decision is final." Pagkasabi nun ay nauna na syang lumabas kasama si Calus.
Kalaunan ay sumunod rin ito sa kanya at ang iba pa. Sa mga oras na iyon ay hinahanda nya na ang sarili sa laban. Alam nyang hindi na ordinaryo ito, baka buhay nya ang kapalit o kung sino mang malapit sa kanya.
Ayaw nyang may madamay. Pero kailangan nya ang tulong ni Zackharius. Handa syang magsakripisyo kung sakali.
"Hermosa, you can use this." May ibinigay na baril si Zackharius sa kanyana kaagad naman nyang tinanggap.
Hindi na importante kung marunong syang bumaril o hindi kapag sumugod sya roon na walang armas, mamamatay rin sya.
Tumingin sya kay Zackharius at tumango. Tumingin naman ito sa mga kaibigan nito na may tig iisang mga baril.
"Are we already settled?" Tanong ni Zackharius.
Kinasa nito ang mga baril nito saka tumingin sa kanilang dalawa ni Zackharius.
"Settled." Sabay na saad ng lima.
Sabay sabay nilang tinungo ang bahay ng mga magulang nya. Nakita nila ang mga itim na sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay nila.
May mga nakaitim rin na mga lalaking nagbabantay sa labas ng bahay. Kaya naman ay nagniniknik sila patungo sa likod bahay kasi mayexit door sa kusina na pwede nilang pasukan papasok.
Si Calus muna ang unang pumasok bago ito sumenyas sa kanila na pwede nang pumasok. Dahan dahan lang ang bawat kilos nila at hakbang nila.
Habang ginagawa iyon at kanda tulo naman ng mga pawis nya dahil sa kaba.
Bago hanapin ang mga magulang ay napagdesisyonan nila Zackharius na mag hiwa hiwalay.
Ako na kasama si Zackharius, Si Calus naman at Maximos. Si Douglas, Xerxes at Manus naman ang magkasama.
Habang nagniniknik sila ni Zackharius sa bawat kwarto ay muntik na silang makita buti nalang ay hinila sya ni Zackharius sa kung saan at doon nagtago.
Ilang minuto pa ay agad silang lumabas at tinungo ang second floor kung saan ang kwarto nya. Dahan dahan nilang pinihit ang pinto nang makitang walang tao ay para silang nabunutan ng tinik. Halos nasuyod na nila ang bawat kwarto ng bahay ngunit wala silang nakita ni isa.
"Zackharius."
"Hermosa—"
Napatigil sila at nagkatinginan ng may marinig na pagputok ng baril sa labas ng bahay.
Sumilip ito mula sa bintana kapagkuwan ay humarap sa kanya. "Hermosa, dito ka lang. Lalabas ako, hahanapin ko sila Calus. Dito ka lang, okay? Wag kang lumabas."
Tumango naman sya. Hinalikan nito ang nuo nya kasunod nun ay ang labi nya bago ito lumabas ng kwarto.
Ilang minuto na ang nagdaan, kinakabahan sya sa nangyayare. Ang bibigat ng hangin na inilalabas nya galing sa bibig. Pabalik balil sya sa nilalakaran habang nag iisip. Napa hilot sya sa kanyang sentido, hindi na nya kaya parang sasabog ang utak nya sa kakaisip.