CHAPTER 26
5 years later ...
"ZACKHARIUS? PLEASE WAG MO KAMING IWAN, PLEASE ZACKHARIUS." Douglas was sobbing.
"Douglas, I know how painful it is pero kailangan natin labanan ang sakit na ito." It was Xerxes comforting Douglas.
Hawak hawak nito ang isang picture frame ni Zackharius.
They're in the middle of mourning nang may bumatok sa dalawa.
"Mga tangina kayo?! Anong ginagawa nyo sa picture frame ko?!" Galit na boses nya ang namuo sa buong kabahayan.
"Grabe ka naman makabatok." Reklamo ni Douglas habang kinakamot ang liko ulo.
"Ang sakit nun." Reklamo rin ni Xerxes.
Pinameywangan nyaang dalawa. "Ano bang tingin nyo sakin? Patay?! Mga gago?! Lumayas kayo rito sa pamamahay ko!"
"What happened?" Biglang pumasok si Calus na may dalang paper bag na puno ng mga groceries.
Tinuro nya ang dalawa. "Ito kasing mga hayop nato, ginawa pa kong patay. Iniiyak iyakan nila ang picture frame ko." Sumbong nya kay Calus.
Na ikinatawa lang nito. Inilagay nito ang nga pinamili sa island counter bago lumapit sa kanilang tatlo.
Tinapik pa nito ang balikat nya bago tiningnan ang dalawa na nakasalampak na ngayon ng upo sa sofa.
"Baka nabobore lang sila." Sambit nito.
"Bakit picture frame ko pa." Bulong nya pero narinig pa rin iyon ni Calus.
"Hayaan mo na." Saad nito.
"Kailan ba tayo babalik sa Russia?" Si Douglas iyon.
"Miss ko na ang Russia." Kanda nguso na saad ni Xerxes.
Ilang taon narin silang nanatili o masasabi nyang nanirahan na rito sa Guam, buti nalang at may bahay ang butler nya rito na pwede nilang tuluyan.
Lumipat sila rito mula sa Japan kung saan rin sila nagtago noon at doon nagpagaling sa isang malaking pribadong hospital roon na pag aari ng pamilya ni Katana.
Si Baxxe nagsabi na pwede sila rito muna tumira bago ito umalis para sa iniutos nyang misyon para rito kasama si Dionysus.
Kaya naman ay silang anim lang ang narito.
Natahimik naman sya dahil sa mga tinuran ng mga ito. Napatingin sya kay Calus na natahimik rin.
Kapagkuwan ay bumuntong hininga ito, "For now, kailangan muna natin manatili rito sa Guam." Pagkasabi nun ay iniwan na sila.
"Ahm...puntahan ko nalang si Manus roon sa taas." Saad ni Xerxes saka tumayo at umalis.
"Zackharius.." Napatingin sya kay Douglas. "It's already five years..matagal na tayong naghahanda ulit. Nagpaplano ulit. Ikaw nalang ang hinihintay namin na sabihin mo ang go signal...hindi pwedeng magtago lang tayo rito hangga't gusto natin, Zackharius." Pagkasabi nun ay iniwan na sya nito.
Pabagsak syang umupo sa sofa na nasa likod nya.
Handa na ba ako?
Maraming katanungan sa utak nya. Gusto nyang lumaban pero may pumipigil sa kaniya.
Takot ba ako?
Tama naman ang mga sinabi ni Douglas, five years ago sinabihan sya ni Calus na hilumin muna ang mga sugat sa puso nya.
5 years na ang nakalipas.
Pero naaalala nya pa rin, nasasaktan pa rin sya.
He is still in pain.