CHAPTER 17
ISANG LINGGO NA RIN ANG NAKALIPAS ngayon ay nasa bahay sila nila Ella para kunin na ang nga finished product na mga gown na gawa ng ina ni Ella.
Mabilis lang kasi natapos ang paggawa ng ina ni Ella sa mga gown, may katulong rin kasi ito sa pag asikaso at pag gawa kaya hindi na nahirapan pa si Tita.
Nang suhestyonan ng ina ni Ella na subukan daw i sukat ang mga gown lahat sila sumang ayon.
Ang unang pinagsukat ng gown ay si Stephanie na ngayon ay parang prinsesa na nakaharap sa kanila, suot nito ay isang tantalizing black gown na puno ng makikinang na bato.
Kasunod nito si Ivy na nakasuot ng maroon gown na kumikinang rin dahil sa mga beeds na nakakabit.
Ang dalawang nasa harapan nila ay talaga namang napakaganda kaya naman lahat sila ay napahiyaw at napanganga.
"Bagay ba?" Sabay na saad ng tatlo.
Nagthumbs up lang sila para iparating sa mga ito na sobrang bagay.
Napangiti nalang rin ang ina ni Ella nang makita ang pagkagusto nila sa mga gown na ginawa nito.
"Bagay ba, Haru?" Tanong ni Stephanie sa katabi nyang si Haru.
Ngumiti lang ito at tumango kay Stephanie. Nakita nya naman ang emosyon sa mukha ni Stephanie dahil sa tinuran ni Haru.
Randam nya ang namumuo sa dalawa lalo na sa kung paano titigan ni Stephanie si Haru. Gusto nya man mangialam pero pinipigilan nya ang sarili nya gusto nyang si Stephanie mismo ang magsasabi sa kanya.
Kasunod sa tatlong nagsusukat ay si Rylen at Jezyl na parehong white ang kulay ng mga gown pero iba ang disenyo, gaya sa tatlong nauna ay bumagay sa dalawa ang gown na pinili ng mga ito.
Kasunod ay si ang mag bestfriend na si Gab at Ella na parehong pinili ang kulay na gusto ng nga ito, kulay peach na may mga crystal beeds na talaga namang bumagay sa mga ito.
Sya naman ang panghuli na red ball gown ang pinili na talagang hapit na hapit sa beywang nya.
Nang makalabas sya mula sa fitting room ay nakita nya ang pagmangha ng mgga mukha ng mga kaibigan nya habang nakatingin sa kanya.
Mahina namang pumalakpak si Ella at Ivy. "Ang gandaaa!"
"Bagay na bagay sayo ang kulay, hija." Saad naman ng ina ni Ella na nasa gilid nya.
"Thank you po tita." Pasasalamat nya dito.
"Nakuu." Saas nito saka ngumiti.
Sya naman ay nilapitan ang nga kaibigan nyang naka gown pa rin.
"Ang gaganda natin!" Masayang sambit ni Rylen.
"Mas maganda kungnay picture tayong lahat." Ang Ivy saka inilabas ang cellphone nito.
"Sige! Picture!" Halos sabay sabay silang nagbigay ng cellphone ni Haru na isa isa silang tinitigan.
"A-ahm—"
"Picturan mo kami." Utos ni Ella dito na tipid lang ngumiti.
Nang magsima na itongmag picture nag simula na rin sila magkanya kanyang posing, mapa individual man o groufie.
At sa buong araw na iyon ay napuno sila ng tawanan at kasiyahan.
Dalawang rason lang talaga ang makakapag pasaya sa kanya.
Isa ay ang kasiyahan nya kapag kasama ang nga kaibigan o pamilya nya.
At ang pinaka unang kasiyahan ay kapag kasama nya si Zackharius.