CHAPTER 20

190 5 2
                                    

a/n: continuation; para sa inyo pa rin po itong chapter na ito.

enjoy reading!

CHAPTER 20

"SHANELEY, TAPOS KA NA BA MAGBIHIS? KANINA KA PA DYAN." Sigaw ni Ivy mula sa labas ng banyo na kinaroroonan nya.

Kanina pa sya tapos, pero kinakabahan kasi siya eh. May nararamdaman kasi sya na kakaiba. Hindi nya rin alam kung ano o kung bakit.

"Bilisan mo ngang bruha ka, nandito nanay mo." Anang Ella.

"Nak?" Tawag ng ina nya sa labas. "Tapos ka na ba dyan? Labas ka nga, gusto kita makita."

Wala syang nagawa, bumuntong hininga muna sya bago buksan ang pinto ng banyo. Agad nyang nakita ang ina nya at mga kaibigan, na nakapag bihis na at nakapag ayos.

Lahat ay napangiti nang makita siya, tiningnan sya mula ulo hanggang paa.

"Ang ganda mo, bagay na bagay sayo ang pula." Anang Jezyl na antamis ng ngiting nakatingin sa kanya.

Tumango naman yung iba na halatang sang ayon rin.

"Halika na." Aya ni Ivy. "Naghihintay na satin yung limousine ni Haru." Nanlaki ang mata nya sa sinabi ni Ivy.

"Limousine?"

"Oo, actually nasa ibaba na nga eh hinihintay tayo, halika na baka malate pa tayo." Handa na itong hilahin sya ng pigilan nya ito.

"Magpapaalam muna ako sa mama ko." Saad nya, ngumiti lang ang kaibigan saka nauna na sa kanya kasama ang iba.

Nilingon nya naman ang nasa likod nyang ina, saka niyakap ito. "Ma, salamat po."

Hinagod nito ang likuran nya. "Bakit ka naman nagpapasalamat?" Tanong nito habang yakap yakap pa rin sya.

"Wala, feeling ko lang po." Saad nya sa ina.

Nang maghiwalay sila ng yakap ay agad syang ginawaran ng halik sa nuo ng ina. "Oh sya, mag ingat kayo ah? Enjoyin nyo ang gabi...ang ganda ganda mo anak."

"Manang mana po sayo." Pabiro nyang saad sa ina.

Narinig nya naman ang pagbusina ng sasakyan mula sa labas ng bahay nila.

Panira naman ng moment.

"Sige na, hinihintay ka na ng mga kaibigan mo." Anang ina nya na hinihila sya papunta sa pinto.

Pero bago pa sya mahila ay bumitaw na sya sa ina nya para may kunin sa pouch nyang dala. Inilabas nya mula roon ang kwentas na binili nya kanina, yung may ruby.

Tiningnan nya muna ang ruby na kumikinang bago iyon isinuot sa leeg ng ina nya na halatang nagulat.

"Para sayo po iyan, Ma. Salamat sa lahat." This time, she's the one who kissed her mom's forehead.

Medyo naluha luha pa ang ina nya, kapagkuwan ay tinutulak na sya nito sa pinto. "Sige na, umalis kana. Salamat, anak. Mahal kita."

"O sige na nga, mahal rin kita ma." Pagkasabi nun ay dali dali na syang bumaba para tunguhin ang mga kaibigan nya.

Bago sya lumabas ng pinto ay niyakap pa nya sa huling pagkakataon ang ina, nago lumabas.

Napaawang nalang ang labi nya kung sino sino pa ang naroroon, di naman sya nagulat sa captain na si Silvestre dahil ito naman ang kapartner ni Jezyl.

Pero ang dean ng school nila na si Mr. Haccov? Si Caiden Benitez na isa sa mga sikat na hunk model? At itong isa naman kung di sya nagkakamali ay boss ni Ella...Thunder? Lahat ng mga ito ay nakasuit at pormal na pormal.

ILLEGAL SEDUCTION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon