CHAPTER 30

154 6 2
                                    

CHAPTER 30

NAPATINGIN LAHAT NG KAIBIGAN NIYA SA KANIYA. Kagaya nya ay gulat na gulat rin ito at nanlaki ang mga matang nakatingin sa kanya nang mapagtanto kung sino ang bagong dating na babae.

Kahit sya ay di rin makapaniwala. Hanggang sa makaupo ang mga ito sa harapan nila. Ay sila nalang anim ang nakatayo pa rin.

"Wala ba kayong plano umupo?" Tanong ni Vernon sa kanila.

Lahat sila ay pabagsak na umupo sa swivel chair. Habang nakatingin pa rin dito.

Nagsiklop ito nang mga kamay sa lamesa bago isa isa silang tiningnan. Halatang binaliwala lang nito ang gulat sa mukha niya.

"Since i'm just my father's substitute here, what if you also introduce yourselves to us, gentlemens?" Suhestyon nito.

Hindi nya ba kami nakikilala?

"Sure, I'm Volt Genova. Main bussiness partner. One of those biggest connections of Zackhar.

"I'm Coltor Taurus. Main Investor. One of those biggest also."

"Me, I'm Vernon Legazpi. Main negotiator. One of the biggest."

"Conrad Garcia, nice meeting you, CH." Anang Conrad na walang ka ide ideya.

Pati ang tatlo wala rin.

Napatingin naman si CH sa kanilang gawi na gulat pa rin habang nakatingin rito. Nang ilang minuto lang silang tahimik at hindi kumibo ay tumikhim na ang babae.

"You don't have plan to introduce yourselves? Akala ko ba pinadala ako ng ama ko rito para sa negosasyon?" Saad nito.

Nanlaki ang mga mata nila na mukhang nahalata nito.

"Nakakagulat ba ang sinabi ko? You can speak tagalog, isa yun sa nga lenggwahe na pinag aralan ko noon." Saad nito.

"I think we don't have to introduce ourselves, you already know us." Walang emosyon na saad ni Calus.

Napakunot ang nuo nang mga taong walang ka ide ideya na naroroon sa meeting room, pati ang tinatawag nilang CH.

"Have we meet before?" Tanong nito na mukhang wala talagang alam.

This can't be.

Palakas ng palakas ang pintig ng puso nya. Hindi nya alam ang gagawin o sasabihin man lang.

Akmang sasagot na sana si Calus ng pigilan nya ito. "Act like we don't know her." Baka isa ito sa mga plano ni Gustavo. Napakunot ang nuo nito pero kapagkuwan ay agad rin nitong sinunod ang sinabi nya.

Humarap ito kay CH. "I'm Calus Givanov. Right Hand."

Napatingin naman sya sa iba pa nyang mga kaibigan na parehas rin ng reaksyon lay Calus pero kapagkuwan ay sinunod rin nito ang pinapahiwatig nya.

"I'm Manus Volkov and this is Xerxes Rhomaios. The trackers." Anang Manus.

"Maximos Kyprios, financer. One of the biggest connections." Pagpapakilala ni Maximos.

"Douglas Lopez. One of his assassins." Napakunot ang nuo nya kay Douglas pero nginisihan lang sya nito.

Napatango tango lang ang Crest. Kapagkuwan ay tiningnan sya nito.

Those eyes. Ipinikit nya ang mga mata saka huminga nang malalim bago iminulat ulit ito.

"Zackhar Vikolov" Saad nya.

Ngumiti ito sa kanya na ikinatigil saglit ng paghinga nya. "Nice meeting you, Zackhar."

Hearing that name that she called him.

ILLEGAL SEDUCTION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon