CHAPTER 36
"DO YOU WANT SOMETHING TO EAT?" Mula nang magising sya yun na ang isa sa palaging tinatanong sa kanya ni Grey.
Mula kasi nung isugod sya rito kagabi, kinabukasan paggising nya ito na ang nasa tabi nya.
Napabuntong hininga nalang sya at tumango. Hindi nya alam pero nasa feeling nya na ayaw nya sa presensya ni Grey o nakukulitan lang talaga sya rito?
Hawak hawak nito ang kamay nya na masuyo pa nitong hinahalik halikan.
"What food do you want?" Tanong pa ulit nito habang masuyong nakatingin sa kanya.
Sa mga kilos ni Grey at pananalita minsan di mo talaga maiisip na isa itong delikado na tao.
"Anything." Tipid nyang sagot at tipid na rin ngumiti.
Wala talaga sya sa feeling nya ngayon, ewan ba nya may hinahanap syang isang tao. Na gusto nyang makita sa pag gising nya.
"Okay, i'll be back." Tumayo na ito saka pinatakan sya nang halik sa nuo. Nang makalabas ito sa kwartong inuukupa nya, pumasok naman si Vera, Eve at Heia.
Yumukod pa ito sa harap nya bago tinungo ang gilid nya at umupo roon.
"You already okay, Sigñora?" Tanong ni Eve sa kanya. May pag aalala rin ang bahid ng mukha nina Vera at Heia.
Ngumiti sya sa mga ito saka tumango. "Yes, i'm already okay."
Nang mapansin nya kung sino ang kulang agad kumunot ang nuo nya at tumingin sa tatlo.
"Where's Varkhon?" Tanong nya sa tatlo.
"He's outside. Mr. Hatchinson ordered him to stay outside." Si Vera ang sumagot.
Agad napakunot ang nuo nya. "Why?"
"Nalaman kasi nya na si Mr. Vikolov ang nag sugod sayo rito." Nagkrus nang mga braso si Heia. "He's really really mad, that's why he ordered na walang lalaking makakalapit sayo."
"What?!" Napakuyom ang kamao nya sa narinig.
So he knew.
Ngayon na nandito na ito, di na talaga sya makakawala kay Grey at wala na talaga syang magagawa.
Bigla namang tumunog ang cellphone nya na nasa maliit na lamesa sa gilid nang kama nya.
Kinuha nya iyon at nang makitang tumatawag si Calibre ay agad nyang sinagot.
"Calibre—"
"Okay ka lang ba, Creasant?" May bahid ng pag aalala ang tono ng boses nito, pero may nararamdaman syang may nangyare.
"Okay lang ako, Calibre." Sagot nya rito. "May nangyare ba?"
"Grey just came here at the bar earlier, he was really mad. At pinagsabihan kami nang kung ano ano." Calibre stated, ikinalaki nang mga mata nya ang sinabi nito.
"Ahm, pupunta ba kayo rito?" Tanong nya sa mga ito.
"Creasant, pinagbawalan kaming bisitahin ka. Grey said we are not responsible as your friends. Like what the fuck!" Galit na saad ni Calibre. Sunod sunod rin ang pagmura nito sa telephono.
Kailangan nya na talaga komprontahin si Grey. Mali na ang ginagawa nito. Pati ba naman ang mga kaibigan nya pagbabawalan nito.
Bigla namang may kumatok sa pinto. Tumayo si Eve at tinungo ang pinto.
"Varkhon, you are not allowed here. Mr. Grey will punished you to disobey what he said." Rinig nyang pagbabanta na may aalalang saad ni Eve sa butler nya.