CHAPTER 37
ILANG ARAW NA RIN NA NAG STAY SYA SA HOSPITAL kaya ngayon masaya sya na uuwi sya pero may bahagi sa kanya ang di gusto na makasama si Grey.
Nitong mga nakaraang araw di na nya ito kinakausap simula nang pagbuhatan sya nito ng kamay. Minsan na nga lang nya makita ito sa hospital eh. Buti nalang rin yon kasi ayaw nya rin ito makita.
Ngayon magkatabi sila pero parang wala lang kay pinili nalang isandal ang likod ng ulo nya sa upuan ng kotse kinalulugaran nila. Habang nakatanaw sya sa bintana ng sasakyan.
"Crest." Rinig nyang tawag nito sa pangalan nya. Ipinikit nya nalangang mga mata para isipin nitong natutulog sya.
Ilang beses pa nitong tinawag ang pangalan nya pero nang di talagasya umimik ay tumigil na ito.
Hanggang sa makarating sila sa mansion nila, diretso ra syang lumabas ng kotse at di na hinintay si Grey. Nakita nya ring nakasunod sa kanya ang butler nya at sina Vera, Eve at Heia.
Si Corpus naman ang nag da drive.
Huminto sya at humarap sa mga ito. "Magpahinga na kayo. Alam kong pagod kayo sa pagbabantay sakin." Ngumiti sya sa mga ito. Tumango ang ito at yumukod bago sya iniwan.
Napatingin naman sya sa kakapasok lang na si Grey at walang emosyon na nakatingin sa kanya. Nakipag titigan pa sya rito bago ito tinalikuran at tinungo ang kwarto nya na nasa third floor ng mansion.
Nang makapasok sya ng kwarto ay akmang isasara nya na ang pinto nang may kamay na humarang dahilan para hindi nya masirado.
"Grey." Sambit nya sa pangalan nito.
Malakas na itinulak nito ang pinto dahilan para mabitawan nya iyon. Napaatras sya nang dahan dahan lumapit sa kanya si Grey.
"What are you doing Grey?" Tanong nya rito. May nababasa syang emosyon sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
Habang sya ay patuloy sa pag atras dahil lumalapit ito sa kanya. Napalunok sya nang mabangga nang likod nya ang pader.
"G-grey."
"You're avoiding me." Saad nito.
Isang dangkal na ang pagitan nilang dalawa at naaasiwa sya sa presensya nito.
"Why is that, Crest? Is it because of Zackhar?" May pagbabanta sa boses nito habang nakatitig sa kanya.
"Pano naman sya napunta sa usapan?"
"Because I can sense it. I've been secretly investigating you, these past weeks." Nanlaki ang mga mata nya sa narinig.
"Y-you're investigating me?! How could you—"
Di nya natapos ang sasabihin nang marahas na hawakan nito ang panga nya. "How could you cheat on me!"
Mas lalo pang humigpit ang pagkaka hawak nito sa panga nya. Saka sya hinila sa mga braso patungo sa kama habang sya naman ay nagpupumiglas.
"Bitiwan mo ko! Grey, ano ba! Bitiwan moko! Grey!" Tinulak sya nito pahiga sa kama saka kinababawan.
Hawak nito ang dalawa nyang kamay. At iniipit nito ang paa nya. Hinalik halikan nito ang leeg nya habang sya naman ay pilit na kumakawala sa mahigpit nitong pagkakahawak.
Marahas nitong pinunit ang damit nya. Dahilan para ma eksposa ang dibdib nya.
"Grey! Please, bitawan moko! Grey! Please!" Pakikiusap nya rito. Ngunit hindi sya nito pinakinggan.
Kaya naman humugot sya nang lakas para kumawala ang isa nyang kamay pagkakahawak nito. Saka ito malakas na sinampal dahilan para umalis ito sa pagkubabaw.