CHAPTER 15
TALAGA NGANG KAY BILIS NG ARAW kasi ngayon nandito naman sila sa bahay nila Ella para magpasukat ng gown sa ina nito.
Habang naghihintay ay panay ang away ng dalawang katabi nya na si Jezyl at Rylen.
Ewan ko rin nitong si Rylen, kung hindi si Ella ang kaaway, kaaway naman nito si Jezyl.
Buti pa si Gab at Ivy, behave lang.
Nang makabalik si Ella galing sa kusina ay may dala na itong tray ng pagkain kasunod nito ang ina nito na may dala dalang tray rin ng juice.
Nang matapos nitong ilapag sa lamesa ang mga dala ay tiningnan sila ng mama ni Ella na may bahid ng ngiti sa mga labi.
"Kain na kayo." Mahinhin na sabi ng ina ni Ella.
Kung si Ella napakaingay yung ina naman nito ay di makabasag pinggan sa sobrang hinhin.
"Kumain na kayo mga patay gutom." Nakapa meywang na saad ni Ella.
Lahat sila nalukot ang muka rito. "Mas pata gutom ka kaya." Sabay nilang saad lima at kumain nalang.
"Oh sya. Sino una susukatin?" Napabaling silang lahat kay Tita na may dalang tape measure.
"Ako!"
"Ako una!"
"Me!"
"Meee!"
"Pwede ako una?" Napabaling nalang silang lahat sa bagong dating.
"Steeeph!"
"Hi Stephanie!"
Bati nilang lahat rito. May sumulpot namang bulto sa likod ni Stephanie.
"Haru!"
"Hi Haru!"
"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong nya sa mga ito ng makapasok.
"Traffic kasi eh." Anang Stephanie.
"Ganon ba?" Tumango tango lang sya rito.
"Oh sya, ikaw na una susukatin, hija." Anang ina ni Ella saka hinila si Stephanie.
Si Haru naman ay umupo sa tabi nya. "Hi Shaneley."
"Hello." Balik-bati nya rito.
"Kumusta?"
"Okay lang."
"Ah." Hindi nya alam pero parang awkward ang pagitan nila ni Haru.
Yun lang ang naging pag uusap nila ni Haru kaya naman ay nakinig nalang sya sa pag uusap ng mga kaibigan nya.
Hanggang sa isa isa na silang tawagin ng ina ni Ella para sukatan.
Nang matapos lahat ay agad na iyon sinimulan ng ina ni Ella ang pag gawa sa gown nila, sila naman ay napag pasyahan nang umuwi.
Nang nasa byahe sila pauwi, katabi nya si Haru at Ivy. Magkatabi naman si Jezyl at Stephanie na kapwa tahimik.
Tahimik rin naman si Ivy dahil busy ito sa cellphone at naka earphones ito.
"Shaneley." Mahinang pagtawag sa kanya ng isa pa nyang katabi na si Haru.
Kaya naman napalinga sya rito. "Hmm?"
"May sasabihin ako." Saad nito na parang kinakabahan pa.
"Ano yun?"
"Ahm..."
"Nandito ka na, Shaneley." Saad ni Jezyl sa kanya dahilan para di matuloy ang sasabihin ni Haru sa kanya.
Kaya naman pumara sya sa manong driver saka tiningnan si Haru. "Sa lunes nalang tayo mag usap."