CHAPTER 35

145 5 0
                                    

CHAPTER 35

"ARE YOU SURE ABOUT WHAT YOU HEAR, ZACKHARIUS?" Paniniguradong tanong ni Calus sa kanya habang nakapameywang.

"Oo nga, paulit ulit eh." Walang emosyon nyang saad, pero ang totoo parang nagpaparty ang puso nya sa isiping binanggit ni Creasant ang pangalan nya.

Ngayon napatunayan nya na si Creasant ay si Shaneley. Isa nalang ang gusto nyang malaman. At iyon ay ang bakit nabuhay ito? Alam nyang si Gustavo ang tumulong rito. Kaya rason ang hinahanap nya.

Matagal nya nang hinahanap ang matanda ngunit wala pa rin syang balita, si Xerxes at Manus ay nahihirapan rin sa paghahanap rito.

Talaga namang di sya makapaniwala na buhay ito. Naalala nya pa ang nangyare dito. Sa ulo ito binaril pero posible pa rin na nabuhay ito.

Lihim syang nagbubunyi. Siguro nga ay nawalan lang ito ng ala ala. Masayang masaya sya. Kahit ilang taon pa nitong hindi sya maalala hindi pa rin sya susuko sa kakahintay rito.

Hindi nya na hahayaan na mawala pa ito sa kanya. Pero syempre ngayon ang nasa isip nya ay bisitahin at makita ito.

Kahapon kasi nawalan ito nang malay kaya kasama ang mga kaibigan at ang butler nito isinugod nila ito sa hospital.

Hindi nya alam ang nangyare rito, kahapon pumasok ito sa room na iniukupa ng kliyenteng si Peter. Natawa nalang sya iisiping akala nya waitress ito nang bar kasi ito ang nagserve at nagdeliver ng pagkain nila pero nagkamali sya, isa pala ito sa mga may ari ng Triple C Club.

Nung papasakay na ito ng elevator napigilan nya pa ito para sabihin yung gusto nyang sabihin nang malaman nya kung sino pala ang boyfriend nito. Iniwan nya ito matapos sabihin yun pero di alam nitong naghintay pa sya para makasakay ito sa elevator.

Bago ito makapasok nakita nyang pasuray suray itong naglakad papasok habang sapo sapo ang ulo nito. Dahil sa pag aalala rito ay sinundan nya ito.

Kaya ayon, nakita nya nalang itong bumagsak sa sahig ng bar kaya binuhat nya ito. Ang di lang nya inaasahan ay nang banggitin nito ang pangalan nya.

Gusto nyang makita ito kaya naman ay tumayo sya at akmang tutunguhin ang elevator paakyat sa kwarto nya nasa ground floor kasi sila.

"San ka pupunta?" Pigil na tanong ni Calus.

Si Maximos, Calus at Douglas lang ang naririto. Si Xerxes at Manus ay busy pa rin sa pagtitrace kay Gustavo at sa paghahanap mg impormasyon. Nagpresenta na rin si Dionysus at Baxxe na maghanap rin ng impormasyon kaya wala ang mga ito rito sa bahay nya.

"Ahm..magbibihis." Sagot nya.

Kumunot naman ang nuo nito at tiningnan sya ng masama. Yung dalawa naman ay naka dekwatrong nakaupo sa sofa habang nakikinig sa kanila.

"Bakit?" Tanong ni Calus.

"Pupuntahan ko si Shaneley."

"Zackharius, paano kung nililinlang ka lang nya? Nakalimutan mo na ba si Gustavo ang kasama nya noong wala ka." Pagpapaalala nito sa kanya.

Tama si Calus pero gusto ng puso at isip nyang makita si Creasant.

Tumingin sya kay Calus na seryosong nakatitig sa kanya. "Then be my back up."

Kumunot ang nuo nito. "Ano?"

"Pupunta tayo sa hospital. Be my back up."

"Zackharius-"

"Please, Calus?" He need to use the safe word para pumayag si Calus sa gusto nya.

Nakipagtitigan pa ito sa kanya bago marahas na bumuntong hininga na halatang suko na.

ILLEGAL SEDUCTION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon