CHAPTER 45

259 3 0
                                    

CHAPTER 45

"AAAAHH! AAAAAH! TOTOO BA TO?! HALAAAA! WEEEH?!" Di makapaniwalang sigaw ni Rylen sa kanya.

Nagtakip nalang sila ng tenga dahil sa kaingayan ng bruha.

"Totoo nga diba." Medyo sarkastiko nyang saad.

Mula nang makarating ang mga ito di pa rin sya makapaniwala, pati ang mga ito di rin makapaniwala.

Madami nang nagbago sa mga ito pero isa lang di nagbago rito, ang pagiging isip bata ng mga ito.

Isa isa syang niyakap ng mga ito saka isa isa rin syang kinurot na ikinangiwi nya.

"Alm mong bruha ka, akala namin patay ka na!" Anang Ella na parang batang naiiyak.

"Ilang taon kang nawala, alam mo ba yon? Namiss ka namin!" Si Ivy iyon, ito ang unang beses na nakita nya itong naiyak.

Tinampal naman sya ni Gab. "Di mo man lang kami kinontak." Singhot nito.

"Gaga ka, di nga sya makaalala diba?" Sarkastikong saad ni Rylen.

Binatukan ito ni Jezyl. "Tumahimik ka nga, by the way, okay ka na ba ngayon, Shaneley? Naaalala mo na ba kami?"

Tumango sya at ngumiti sa mga ito. "Klaro pa sa sikat ng araw."

"Mabuti naman!" Anang Ella at niyakap na naman sya. Nakiyakap na rin ang iba pa nyang mga kaibigan.

Nabuwag lang silang lahat nang may mga tumikhim sa likuran nila.

Napalingon sila sa mga tumikhim, mas lalo pa syang nagulat sa kung sino pa ang narito.

"Bakit narito sila?" Kuryos nyang tanong. Nandito kasi ang dean ng school nila sa san carlos. Nandito rin yung captain ng basketball team ng san carlos at nandito rin ang sikat na hunk model na si Caiden.

"Ang tagal mong nawala kaya di mo alam." Bulong ni Rylen sa tenga nya habang nakatitig sa mga kalalakihang nasa harapan nila.

"Ang alin?" Umalis ang mg kaibigan nya sa tabi nya at isa isang tinabihan ang mga kalalakihan.

"Shin, this is my hubby. Caiden Niccholas Benitez." Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ni Gab.

Like what?!

"Hi." May ngiti sa mga labi nito habang nakikipag kamay sa kanya. Kitang kita nya ang kasiyahan sa mukha nito habang nasa mga bisig nito si Gab.

Napatingin naman sya sa dean nila noon na hawak hawak ang kamay ni Ivy.

"Mr—"

"Haccov Maxon Zaldarriaga. Ivy's Husband. Long time no see." may nasusupil na ngiti sa mga labi nito saka kinamayan sya saglit.

"Hi, Silvestre Archeus Decimo. Jezyl's Husband." Naglahad rin ng kamay ang captain na kaagad naman nyang tinanggap.

Napatingin naman sya kay Ella, gulat na gulat pa rin sya.

"Gulat ka noh?" Tumawa ito saka nilapitan si Thunder. "He's my husband." Proud na pakilala nito. Ngumiti lang rin si Thunder at niyakap si Ella.

What?!

Sa pagkakaalam nya isang royalty itong si Thunder, alam ba yon ni Ella?

Siguro oo, asawa nga nito diba?

Habang sya ay nanatiling gulat na gulat.

Bigla namang may pumasok sa kabahayan.

"Sorry we're late." Saad nang lalaki, sya yung lalaking nagligtas sa mga kaibigan nya. Di nya nakuha ang pangalan nito dahil bigla itong umalis.

ILLEGAL SEDUCTION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon