CHAPTER 3

436 13 0
                                    

CHAPTER 3

MAAGANG MAAGA palang ay napaka ingay na nang bahay nang Tita Norma niya. Mga pinsan , si Tito Henry at Tita Carmela niya lang ang naririnig niya. Malakas na tawanan nang mga ito ang bumulabog sa umaga niya. Pagod pa siya at gusto nya pa matulog. Alas singko na sya nang umaga natulog nang dahil sa lalaking yun.

Pagod man ay bumangon si Shaneley. Inayos nya muna ang higaan nya at ang buong kwarto bago tinungo ang banyo upang maligo. Pagkatapos nyang maligo ay isinuot nya ang yellow sleevless niya at pinaresan iyon nang puting short. Sinuklay niya ang hindi nya kahabaang chokolateng buhok. Nang makontento na sya sa ayos nya ay lumabas na siya sa kwarto nang Tita nya at tinungo ang sala.

Pagkadating na pagkadating nya palang sa sala ay nakita nyang napatigil at napatingin ang lahat sa kanya. Lalo na sa lalaking pinaka gitnaan ng mga tyuhin at mga batang pinsan  nya. May bahid ito nang ngiti sa labi habang nakatitig sa kanya. Tapos bumaba ang tingin nito sa suot niya. Naramdaman niya ang pag init nang kanyang pisngi.

Iniiwas niya ang tingin niya dito na halatang nakita nito ng pamumula niya. Bigla niya naman narinig ang sigaw nang Tito Henry nya.

"Ayy nakoo! Shaneley my niece! Bakit ka namumula? Halika dito, Tabi kayo nitong si Zackharius. Aba'y ang gwapo gwapong bata nito ,ere." Saad nang Tito niya na hinila siya papunta sa tabi nang kinauupuan ni Zackharius.

Umiling siya sa Tito nya at pilit na kumawala sa pagkaka hawak nito sa kanya. "Wag na po, Tito henry. Dun nalang po ako sa tabi ni Tita Norma."

Tumingin ito sa kanya nang masama. "Aba'y hindi pwede iyan." Hinili ulit sya nito at sa pagkakataong to ay hindi na sya nagpapigil. Pinaupo sya nito sa tabi ni Zackharius na halatang titig na titig pa din sa kanya.

Tumingin siya dito at nagtama ang mga mata nilang dalawa. Ngumisi ito sa kanya at inilapit ang bibig sa tenga niya. Nararamdaman nya ang mainit na hininga nito na tumatama sa leeg niya. Para syang kinapos ng hininga dahil sa napakalapit ng mukha nito sa leeg nya.

"Hermosa, you smell so good. And you're so sexy." He whispered making her hitched. Nakagat nya ang pang ibabang labi saka pinakatitigan ang mata nito na nakatutok sa mga labi nya. Bumaba ang tingin niya sa labi nito. Agad nyang naramdaman ang pagnanasa na mahalikan ulit ito.

Pero agad nyang pinilig ang ulo. Hindi pwede ang iniisip nya. Nasa harap nila ang mga Tito at Tita nya pati ang nga bata nyang pinsan. Nag ayos nang upo ang binata sa tabi niya at nginitian siya. Bumaling naman ang atensyon nya sa nga bata na lumapit sa kanya at kay Zackharius.

"Ate shanee! Ate shanee! Look oh! Boyfriend ko na po si Kuya pogi." Napatingin siya sa batang pinsan na si Theresa. Seven years old palang ito ay ang dami na nitong alam pati narin ang isa nitong pinsan na si Viar. Nakangiti ito sa kanya habang nakaupo ito sa kandungan ni Zackharius.

"Oo nga atee! Boyfriend na po namin si Kuya Pogi. Ahihihi." Napangiwi sya sa dalawang pinsan. Ang babata pa ng mga ito ang dami nang alam.

Habang si Zackharius naman ay tumawa lang habang ginugulo ang buhok nang dalawang bulinggit. Tumingin ito sa kanya at tinuro siya.

"Kyuties... I'm sorry but Kuya pogi is already taken with your Ate shane." Proud nitong sabi. Tinaasan lang nya ito nang kilay. At nag kibit balikat lang ang loko.

Napatigil sya nang pumasok sa kabahayan sina Jayque na pinsan nya at ang childhood crush nya na si Roque. Nakatingin ang mga ito sa tabi nya at kumaway. Akmang kakaway din siya sa dalawa nang may maramdamang braso na pumulupot sa bewang niya. Napatigil siya at tiningnan ang nag mamay ari nang braso.

Nakikita nya ang pagdilim nang mukha nito. Habang kalmado paring nakatingin sa dalawang kararating. Hindi nya alam kung bakit ganito ito pero hinayaan nya lang ang braso nito na nakapulupot sa beywang nya.

ILLEGAL SEDUCTION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon