a/n: continuation; para sa inyo pa rin. Enjoy reading!
CHAPTER 21
"SO SHANELEY, ASAN NA YUNG SINASABI MONG BOYFRIEND?" tanong ni Kelly sa kanya.
Kasama nito si Clint at ang mga kaibigan nito. Tiningnan pa sya nito na parang may nakakatawa.
Ano ba talaga problema ng mga to?
"Baka imbento mo lang yung sinabi mo?" Si Clint na ngayon ang nagsalita na mukhang pinapamukha pa sa kanya na hindi pa sya naka move on rito.
Yuc.
"Alam nyo kung wala kayong magawa sa buhay pwede ba tantanan nyo na kaibigan ko?" Sumingit naman sa usapan si Ivy.
Tiningnan ni Kelly si Ivy na parang may nakakatawa sa sinabi nito saka binalingan nito ng tingin ang isa sa mgakaibigan nito.
"Gerald, ito pala yung ex mong palaban oh." Tudyo ni Kelly sa kaibigan nito.
Si Gerald ang ex boyfriend ni Ivy na nanloko noon ni Ivy.
Hindi talaga namin makalimutan iyon lalo na't galit na galit si Ivy rito, dahil raw pinaglaruan lang sya nito.
Ngumiwi pa si Gerald habang nakatingin kay Ivy. "Nagsisi nga ako kung bakit pinatulan ko pa yan eh."
Lahat sila napakuyom sa sinabi na iyon ni Gerald, akmang susugurin ni Ivy ito ng biglang humarang si Haccov.
"Hi, pleasure to meet you." Saad ng dean sa mga ito lalo na kay Gerald.
"Sino ka naman?" Tanong ni Gerald rito.
"Haccov Maxon Zaldarriaga." Tinuro nito si Ivy. "Her property."
Napaawang ang labi ni Gerald sa narinig, lihim na napataas ang sulok ng kanyang labi.
Burn.
"Hurting her is a bad move but because i'm playing nice at this moment, please remember my name Haccov the man who will hunt you and bring you down. One way or another." May diin na saad ni Haccov.
Lahat sila ay napangisi dahil sa sinabi nito. Pati si Gerald at ang iba pa ay natahimik.
Boom, ashes.
Bigla namang may nag announce na emcee kasunod nun ay ang pagtugtog ng music.
Lahat sila ay napatingin sa malaking stage na sa bawat gilid ay may hagdan mula paitaas.
Dyan siguro dadaan ang celebrant.
Parang nasa fairytale lang ganon? Sana ol.
"Okay everyone, all eyes here." Tawag nang emcee sa atensyon ng mga guest.
"Before we call our celebrant, we will introduce first the sponsors of this grand night." Lahat naman nag palakpakan.
Nagtawag na ng mg pangalan ang emcee ng event kasama ang mga partners.
"And for the last sponsor from greece, let's welcome Mr. Maximos Kyprios with his partner Ms. Katana Brooke." Nanlaki ang mga mata nya sa narinig.
Bakit sila narito?
Napatingin naman ang mga kaibigan nya sa kanya.
Si Maximos? Tsaka si Katana? Magka ano ano sila?
Pupuntahan na nya sana ang mga ito ng may pumigil sa braso nya. Nang lumingon sya ay nakita nya si Kelly na hinawakan ang braso nya.
"Saan ka naman pupunta? Tatakasan mo kami?" Saad nito na nakataas ang isang kilay.