CHAPTER 42
NANG MAKARATING SI SHANELEY SA ABANDONAHENG PORT kung saan ang binigay na address ni Grey ay agad syang sinalubong nang mg tauhan nito.
Nakayuko lang ang ulo nya habang sinusundan ang isang tauhan nito na maghahatid sa kanya sa kinaroroonan ni Grey.
Wala sa kondisyon ang isip nya, para syang mababaliw sa kakaisip. Nakayuko lang sya ngunit nasa malayo ang isip nya.
"We're here." Bigla syang nag angat ng tingin dahil sa sinabi na iyon ng lalaking tauhan ni Grey.
At sa pag angat nya nang tingin nakita nya ang isang ship na may red and black label at may nakasulat sa harapan nitong 'Grey H. Pearl Ship'
Pero natuon ang atensyon nya sa harapan nya. Hawak hawak ni Grey ang ama nya na naka gapos ang kamay bati ang bibig ay may takip may nakatutok rin na baril sa tagiliran nito.
Nakatingin sa kanya ang ama nya, para itong nakikiusap sa kanya. Ito rin ang unang beses na nakita nya itong umiyak. May luhang tumutulo sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
Bumuntong hininga sya. Saka tinignan si Grey. "I am here to know the truth."
Ang seryosong mukha ni Grey ay biglang napalitan nang masaya, humalakhak pa ito habang nakatingin sa kanya.
Saka ito tumingin kay Corpus na nasa gilid nito. "Get some chairs." Agad tumalima ito at ilang segundo pa ay nakabalik rin na may dala dalang dalawang bangko.
Dinala sa kanya ang isa at ang isa ay inupuan ni Grey nakatutok pa rin kay Gustavo ang baril nito.
"Kneel, Gustavo." Utos nito sa ama nya na dahan dahan namang lumuhod habang nakatingin sa kanya.
Parang may nabiyak sa kaloob looban nya sa nakikita.
"So..." Nag dekwatrong upo si Grey at nakangising nakatingin sa kanya. "Anong gusto mong malaman?" Tanong nito habang nilalaro ang baril na hawak.
"Lahat lahat."
Biglang sumeryoso ang mukha nito. "Sure?"
"Oo." Diretsahan nyang sagot.
"At kapag nalaman mo na ang totoo?"
"Babalik ako sayo at susundin kita kahit na anong iutos mo basta....pakawalan mo ang mga kaibigan ko."
Para pa itong nag iisip at ngumiti sa kanya. "Pag iisipan ko."
Bumuntong hininga sya. "Magtatanong ako at sagutin mo ng katotohanan, Grey."
Nagkibit balikat ito. "Okay, no problem."
"Anong nangyare ten years ago?"
Diretsa sya nitong tinitigan. Naging seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. "Ten years ago, I saved your life. I saw you and your parents full of blood—"
"Parents?" Kumunot ang nuo nya.
"Yes, nalaman kong sila ang umampon sayo nung maliit ka pa. Akala mo si Gustavo talaga ang nag iisa mong pamilya? No, kasi niloko ka lang nya. Pinaglaruan ka lang nya." Tumawa pa si Grey. She looked at Gustavo, his eyes was begging and like saying sorry while looking at her.
Pinipigilan nya ang luhang gustong tumulo sa mga mata nya.
"Puro kayo may tama ng bala, I tried to rescue the three of you, pero ikaw lang ang nabuhay dahil nagrerespond ang katawan mo and your heart was still beating that time kahit na sa ulo ka nabaril. Kaya ikaw ang dinala namin papunta dito."
"How about my parents?"
"They were left. Binalikan namin sila ngunit wala na." Umiling iling pa ito na parang logong logo.