CHAPTER 18
THE END OF THE MONTH IS ALREADY COMING, mahigit isang buwan na rin mula nung nagpakasal sila ni Zackharius. The memories are still fresh at wala syang pinagsisihan kahit konti.
Wearing the ring of promises that Zackharius gave to her is her precious treasure.
Nakatungo lang sya sa bintana ng kwarto habang pinagmamasdan ang pagkinang ng singsing nya sa daliri nang biglang pumasok ang ina nya.
"Kakauwi mo palang, nak?" Napatingin sya sa ina nyang may dalang tray ng pagkain.
"Opo, ma." Agad syang tumayo sa kinauupuan para yakapin ang ina nya.
Pagkatapos ay sabay silang dalawang umupo sa gilid ng kama nya.
"Oh sa sunday na yung pupuntahan nyong party diba?" Anang ina nya habang hinihimas ang kamay nyang hawak nito.
"Opo." Ngumiti sya sa ina nyang masuyo syang tinitigan.
"Nakuu! Dapat magandang maganda ka, nak! Dapat ikaw ang pinaka maganda sa party na iyon." Excited pang sambit ng ina nya na parang nag iimagine sa kanya.
Napangiti nalang sya sa masayang mukha ng ina nya. Tinitigan nya pa ng ilang minuto ang pagmumukha nito.
Maraming nag sasabi na wala syang kahawig na lahi ni isa sa mga magulang nya dahil sa maputi nyang kutis, buhok nyang kulay tsokolate at mga mata nya na may ibang kulay.
Kahit itanggi nya man halatang halata naman kahit sya ang tumingin, marami ang pinagkaiba.
Marami syang katanungan sa isip nya na gusto nyang masagutan, gusto nyang malaman.
"M-ma?" Tawag nya rito.
"Hmm?" Agad itong tumingin sa kanya.
"Hindi nyo po ba ako tunay na anak?" Ayaw nyang maging straight to the point sa ina pero kailangan nyang tanungin iyon.
Matatanggap nya naman kung sasabihin nito ang totoo. Pero may parte sa kanya ang malulungkot rin.
"N-nak? Bakit mo naman naitanong iyan?" Gulat na gagad ng ina nya.
"Kasi po maraming pinagkaiba, kahit noon pa man nahahalata ko na po." Saad nya.
"Ahm.." Nag iwas ng tingin ang ina nya, kapagkuwan ay niyakap sya nito ng mahigpit na mahigpit.
"Mahal na mahal ka namin, anak. Mahal na mahal kita."
"Alam ko po, Ma." Pag alo nya sa ina na umiiyak sa balikat nya.
Alam na nya ang sagot. Di na kailangan pang sagutin, matalino sya para maintindihan iyon.
Nang maghiwalay sila ng pagkakayakap sa ina ay nginitian nya ito ng matamis.
"Mahal na mahal ko po kayo, Ma. Kayo ni, Papa." Sambit nya sa ina bago ito hinalikan sa pisngi.
Ilang minuto pang nanatili ang ina nya sa kwarto nya, pinag uusapan nila ang kahit anong bagay na pumasok sa mga isip nila habang pinapagaan ang atmosphera na namuo kanina sa pagitan nila at sa katotohanan na gusto nyang malaman.
Hindi nya ugaling magdamdam, tanggap nya lahat ng paglilihim ng mga magulang nya. Alam naman nyang may purpose at rason iyon para lang rin iyon sa kapakanan nya, lalo na inalagaan naman sya at minahal ng buong buo ng mga tinuring nyang magulang.
Masaya nalang rin sya dahil sa ang swerte nya sa buhay.
Nang matapos ang pag uusap nila ay agad na nagpaalam ang ina na may gagawin raw ito sa baba kaya naman ay naiwan sya sa kwarto nya habang kinakain ang meryendang handa ng ina nya.