CHAPTER 13

223 6 0
                                    

CHAPTER 13

"IVYYY! IVYY!" Lahat sila ay napakaway kaway sa kaibigan nilang pababa sa jeep.

"Ivyyy! Aaaaahh! Ivyyy!" Napatakip nalang sila ng tenga nang tumili si Rylen na kaagad naman binatukan ni Jezyl.

"Ang ingay mong gaga ka." Saad ni Ella na binelatan lang ni Rylen saka ito napakamot ng ulo.

"Guys! Yow!" Bungad ni Ivy sa kanila saka isa isa silang niyakap.

Kakabalik pa lang nito sa school kaya naman ganito sila ka praning.

"Wow, halos isang linggo kang wala tas 'yow' lang bungad mo?" Sarkastikong saad ni Rylen sa bagong dating.

Tiningnan lang ito ng masama ni Ivy dahilan para magtago si Rylen sa likod ni Jezyl.

"Okay ka na ba, Ivy? Ayos na?" Tanong nya rito habang naglalakad naman silang lahat papasok ng gate.

"Oo nga, Ivy lahat kami nag aalala sayo." Gagad naman ni Ella.

"Ano ba nangyare?" Tanong ni Gab.

"Ahm..may family problem lang pero ayos na ako. Okay lang." Saad ni Ivy.

Alam nyang nagsisinungaling lang ito pero hinayaan nya nalang, may rason naman siguro ito. At hindi nya rin ugaling mangialam.

"Ivy, kung may kailangan ka andito lang kami." Saad ni Ella saka niyakap si Ivy.

Lahat sila ay yumakap para ipadama rito na importante ito sa kanila.

Nasa kalagitnaan sila ng group hug nang sitahin sila ng guard.

"Pst! Hooy! Ano di pa kayo papasok? Magsisimula na ang  ceremong!"

Dahil doon ay umayos na sila at pumasok ng gate ng school.

"Grabe naman kung maka hoy." Saad ni Rylen.

"Panira ng moment si Guard. Tsk." Saad naman ni Ella.

Nagkanya kanya na silang kwentuhan at usap patungong ground ng school nang makasalubong nila ang Dean.

Napatigil naman silang anim dahil sa presensya nito at sa uri ng titig nito kay Ivy.

"Good to see you again, Ms. Ellena." There is a sarcastic smile plastered on the Dean's lips while looking at Ivy.

"Yeah good to see me." Pagkasabi nun ay hinila na sila sa kung saan ni Ivy.

Napa isip isip nalang sya kung hindi pa ba ayos ang dalawa.

Pero halata naman.

"Hindi pa rin ba kayo ayos ng dean, Ivy?" Tanong ni Ella rito ng huminto sila malapit sa Ground.

Umiling ito. "Never." May diin nitong sabi.

"Halaa! Baka sa susunod ma expell ka na." Saad naman ni Gab.

"As if." Nakataas ang kilay nitong sabi saka sumunod sa mga estudyanteng nakalinya.

Napailing iling nalang sila sa katigasan nito ng ulo. Agad naman silang sumunod rito at nag linya na rin.

Another stressful day na naman.

NANG MATAPOS ANG BUONG KLASE ay himala nalang na di na napagdesisyonan ng mga kaibigan nyang mag istambay sa cafeteria.

Pero kahit kailan ang kakapal talaga ng mga mukha dahil doon nalang daw sa kanila mag iistambay ang mga hayop.

Kaya ngayon heto, naglalakad na naman sila patungo sa village.

Hindi nila kasama si Haru at Stephanie, absent rin kasi si Stephanie kanina pero si Haru, hindi nya alam kung nasaan.

Nang makarating sa gate ng village agad silang bumati sa guard saka sila pinapasok.

ILLEGAL SEDUCTION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon