5 years later...
Napaluhod si Zackharius dahil sa mga natamong tama ng bala. Naghalo ang sakit at pangamba sa kanyang mukha nang makitang papatakbo papalapit sa kanya si Shaneley.
"Zack! Zack!" Tawag nito sa kanyang pangalan habang tumatakbo patungo sa kanya.
"Hermosa!" Kita nyang biglang napahinto at napako sa kinatatayuan si Shaneley dahil sa may nakatutok na baril rito. Sa ulo nito.
Napatingin sya sa lalaking nagtutok ng baril kay Shaneley. Napakuyom sya nang makitang si Hatchinson iyon.
Tumingin si Hatchinson sa kanya saka sya nginisihan.
"Hindi ko kayo hahayaang maging masaya, Zackhar! Hinding Hindi!" Gigil na sigaw nito saka binaril sa ulo si Shaneley.
Nanlaki ang mga mata nya.
"Nooo! Hermosa! Hermosaa! Nooo."
"Hermosaaaa! Nooo!"
"Nooo! Noooo! Hermosa! My hermosa."
"Hey, hey, Zack...Zack." Naramdaman nyang may yumugyog sa kanya kaya bigla syang nagising.
Sa pagising nya agad bumungad sa kanya ang nag aalalang mukha ni Shaneley. Nilibot nya ang paningin at nakitang nasa kwarto pala sila.
"Hey, you okay?" Tanong nito sa kanya. "Nanaginip ka siguro ng masama. Ganun ba kasama yun para tawagin moko?"
Agad syang tumango at napatitig rito. "Yes, I thought...you were dead, hermosa." Niyakap nya ito ng mahigpit. "I thought I lost you...i'm scared."
"Zack." Tawag nito sa pangalan nya. Agad syang nag angat ng tingin.
"Hinding hindi ako mawawala sayo, Zack. Kita mo nga yan oh, five years na ang nakalipas may mga anak na tayo." Saad nito at hinaplos ang pisngi nya.
"Zack, it's just a nightmare. Hindi na mangyayare ang nangyare noon...wag ka nang mag alala okay?" Tumango sya rito at niyakap ito ulit.
Ilang minuto lang silang nasa ganoong posisyon. Nang bigla itong tumikhim.
"Do you wanna hear some good news?" Tanong nito sa kanya.
Nag angat ulit sya ng tingin rito. At puno ng kuryusidad ang isip nya habang nakatingin sa nakangiti nitong mukha.
"I'm..." Pabitin nito.
"You're?"
Mas lalong lumaki ang gatla sa mga labi nito at hinalik halikan ang buo nyang mukha saka ang labi nya.
"I'm pregnant!"
Nanlaki ang mga mata nya sa anunsyo nito.
"You're what?" Di mya makapaniwalang tanong. "Say it again, I wanna hear it loud and clear."
Mahina itong tumawa at bahagyang tinampal ang dibdib nya.
"Zack, i'm three weeks pregnant." Saad nito na may ngiti sa mga labi.
Ilang minuto syang natigilan at natahimik. Doon lang sya napabalikwas nang pitikin ni Shaneley ang daliri nito.
"Earth to my Zack. Ano na?" Saad nito.
Unti unting lumaki ang gatla sa mga labi nya at kaagad itong hinagkan at pinaulanan ng mga halik sa mukha at labi nito na kaagad naman nitong tinugon.
Palalalimin pa sana nya ang halikan nila ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto nila.
At agad pumasok mula roon ang dalawa nilang kambal na anak na si Diamond Elette at Crystal Shin.
Patakbo silang tinungo nang mga ito at dahil three years old pa ang dalawa di pa kaya nang mga itong umakyat sa kama kaya kinarga nila ang mga anak nila paakyat.