a/n: wala po munang POV si Zack. Pero dahil mabait ako, para sa inyo itong chapter na ito!
enjoy reading, bijj!
CHAPTER 19
ILANG ARAW NA ANG NAGDAAN at ngayon ay linggo na.
At dahil linggo na...
"Grand ball daaay na!" Sigaw ni Rylen na halatang excited na excited.
"Lah! Excited ka? Mamaya pang gabi yun." Nakataas na kilay na saad ni Ella.
"Oh ano naman? Tingnan mo nga oh, nag pa spa pa tayo." Anang Rylen.
Nandito sila sa isang salon sa mall para mag pa spa. Ito kasing si Rylen ay gustong magpa salon, atat na atat eh.
Kaya naman wala na silang nagawa, libre kasi.
Libre ni Ivy.
"Parang ngayon ka lang nag pa spa ah? Ignorante mo." Saad ni Jezyl na naka taas ang kilay na nakatingin kay Rylen.
Sinimangutan lang ito ni Rylen saka nakipag chikahan sa mga parloristang bakla.
Si Jezyl naman ay busy sa cellphone na parangmay ka text. Habang si Gab at Ella ay nag uusap.
Wala si Stephanie at Haru, may gagawin raw ang mga ito.
Pinahinga nalang nya ang likod ng ulo sa sofa na kinauupuan. Ilang araw na rin mula nung insedenteng yun.
Napapa isip sya minsan kung tama ba ang hinala nya.
Si Zackharius ba talaga yun?
Napabalikwas sya nang may humihila sa damit nya,napatingin sya sa katabi nyang si Ivy.
"Ano? May partner ka na?" Tanong nito sa kanya.
Bumuntong hininga muna sya bago umiling. Ito naman ay napaka kibit balikat.
"Ako rin."
She looked at Ivy in disbelief, "wala?"
"Hmm-hmm. Wala." Saad nito na parang wala lang. "Tsak okay lang yun, hindi ko naman ikakamatay yun."
"Tama ka." Pag sang ayon nya rito. "Eh yung iba nating mga kaibigan?" Ininguso nya ang mga hudyo na may kanya kanyang mundo.
Napalingon naman si Ivy sa mga kaibigan nya nabusy saka nilingasya ulit.
"Jezyl? Siguro oo, si Silvestre. Si Ella at Gab? Ewan. Si Rylen? Pinaka sure, wala." Saad nito na parang natatawa pa.
Natawa nalang rin sya sa tinuran ng kaibigan, "Wag ka nga. Wala rin naman tayong partner."
"Bahala na kung wala, basta tayo dapat ang pinakamaganda sa party na iyon."
"Agree." Saad nya.
Nag apir pa silang dalawa at sabay napatawa.
Ilang oras pa syang nakipag kwentuhan at nakipag daldalan ni Ivy hanggang sa matapos sila.
Nang matapos ay agad silang lumabas ng salon para naman bumili ng mga fashion jewelries na gagamitin mamaya.
Kasalukuyan silang papasok sa isang boutique nang may makabangga si Rylen.
"Sorry." Saad nang lalaki pero hindi sumagot ang lalaki hanggang sa lagpasan nito si Rylen.
"Okay ka lang, Rylen?" Tanong nya sa kaibigan na tipid lang na ngumiti sa kanya saka tumango.
"Oh sya, pasok na tayo." Saad ni Ella saka nauna nang pumasok sa loob ng boutique kasama si Gab.