Luke's POVNo matter how many days, months and years would pass hindi ka parin nawawala sa puso't isipan ko.
Ginayuma mo ba ako? Isinumpa? Well, kahit ano pa yan i don't care. I love it anyways, stuck with you forever? I don't mind it at all. Matutuwa pa nga ako e.
Seeing you happy is the best thing in my life. I thank God that i received such a great gift from him that i'll forever keep.
Nakatingin ako sa babaeng naglalakad sa gitna ng simbahan. Wearing her beautiful white dress, i bet all girls are dreaming to walk in this aisle. Including you.
I watched her almost teary-eyed walking with her parents beside her. Smiling like its the best day of her life.
Nang makaratin sila dito sa harap agad silang dinaluhan ng kaibigan ko.
"Thankyou you po tita, tito." Sabi niya
"Ano kaba, sabi ko mommy at daddy na ang itawag mo samin e!"
Natawa naman kami sa sinabi ng mommy ni sab.
And yup, today's the day, the wedding day of my friend garry, and cha's bestfriend, sabrina.
I wish cha was here, for sure maid of honor siya o isa sa mga abay. Si thrixie ang maid of honor at ako naman ang best man ni garry.
Pumunta na sila sa altar at pumunta narin kami sa aming mga upuan.
The ceremony went well. Ikinasal na sila sabrina at garry.
"Congratulations Mr. and Mrs. Valdez." Sabi ko ng makalapit ako sa kanila
"Thankyou luke. Sa susunod sana ikaw naman ang ikasal." Sabi ni sab
Tumawa naman ako bago sumagot. "Hindi ko pa alam"
Matapos ang ceremony ay dumeretso na sila sa reception at ako naman ay pumunta sa lugar kung saan nagaantay ang babaeng mahal ko.
Matapos ang ilang minuto na pagdradrive mula sa simbahan ay nakarating na ako.
Syempre nagdala ako ng bulaklak at pumunta sa pwesto niya.
"Hi baby, sorry ngayon lang ako nakabisita. By the way, ngayon ang kasal nila sabrina at garry actually kakatapos lang. Akalain mo, hindi sila gaanong nagkakasundo noon pero ngayon sila ang nagkatuluyan at naging mag asawa." Kwento ko habang nakaluhod sa harapan niya.
"Sana nandun ka din para mawitness mo ang isa sa unforgettable moment sa buhay nila."
Pinunasan ko ng tissue ang picture frame na katabi niya. Picture naming magbabarkada ito na drinawing niya. Dito namin dinisplay iyon.
Ang isang picture frame naman ay picture nila ng family niya, naglagay din kami ng picture ng bunsong kapatid niya na si chester para kumpleto sila.
"5 years na ang nakalipas cha pero mga ngiti at yakap mo parin ang hinahanap hanap ko."
Ngumiti ako at hinaplos siya. "I love you so much and i promise na ikaw lang ang iibigin ko. Ikaw lang."
"Take care always my love. Always protect me. Sana inaalagaan ka din ni cedric jan. Magiingat kayong dalawa jan. Mahal na mahal namin kayo. We missed you so much."
I always ask God for guidance, protection and blessings. Now, i asked God to bring you back. Pero mukhang imposible na. Hindi kana niya mababalik kahit kelan.
Still, i'm so thankful that he gave me such a wonderful and kind girl. He gave me a woman that will forever stay in my heart. Whatever happens, you'll always be my chandriangot. No one can replace you babe. No one.
~~~~~
This is a work of fiction. The names, places and other stuffs are produced by my imagination.
Ang iba pong nabanggit sa story na ito ay nagkataon po na meron talaga sa totoong buhay natin:))
Hope you enjoy the life journey of our dearest Cha-Cha:))
Stay safe and keep fighting!
-shymazingdeee
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Teen FictionAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...