Maaga akong nagising dahil sa excitement. Feeling ko nga hindi ako nakatulog kagabi e. Excited na ako makita sila mom!Nag ayos lang ako saglit tsaka bumaba na. Plano kong tumulong magprepare ng breakfast ngayon.
"Manang rosa" tawag ko. Oo nga pala, kasama ko si manang rosa na umuwi dito para naman may kaclose akong magbabantay sakin lalo na pag wala si tito dito sa bahay.
"Tulong po ako sa pagluto ng breakfast." Nakangiting sambit ko
Nakita ko naman na naguguluhan siya. "Huwag na. Mapapagod ka lang. Maupo ka nalang riyan at antayin ang lulutuin ko."
Dahil mapilit ako hindi ko hahayaan ang gusto niya. Lumapit ako sa kanya at humawak sa braso. "Manang please. Ngayon lang po. Gusto ko ipaghanda sila mom kung ngayong umaga ang dating nila po."
Mukhang hindi matinag ang seryosong tingin niya sakin kaya sinabayan ko ng nagmamakaawang tingin.
"Pleaseee?"
She sighed in defeat. "Fine."
"Yes!" Napataas pa ako ng dalawang kamay na parang nanalo sa contest ba. Hahaha wala e ganun talaga pag gusto mong ipaghanda ang mga mahal mo. Kailangan magpaawa para payagan.
Tinulungan ko si manang rosa na maghiwa ng mga sangkap ng lulutuin namin. Magluluto daw siya ng lugaw na paborito nila tito ali at daddy. Tapos nagrequest ako ng champorado dahil paborito ko yun pati narin si mommy!
Maaga palang naman kaya baka tulog pa si tito. Kadalasan mga 8am na yun papasok e.
"Manang, nasabi po ba ni tito ali kung anong oras dating nila mommy?" Tanong ko habang hinahalo ang champorado.
"Hindi dein e. Walang nabanggit si tito mo."
Tumango naman ako.
Nang naluto na ang agahan namin ay naghain na ako.
Habang naglalagay ng lugaw sa bowl narinig ko ang mga yabag na galing sa hagdan. Gising na si tito.
"Hmmm, ang bango naman!" Rinig kong kumento niya.
Parehas sila ni daddy ng reaksyon pag nakakaamoy ng mabangong pagkain. Magkapatid nga talaga sila.
"Oh dein? Ang aga mo ata."
"Gusto kita ipagluto tito!" Pagkatapos ay humarap na ako sa kanya at dinala ang bowl ng lugaw.
"Wow! My favorite! Ang tagal ko ng di kumakain ng lugaw!" Kumikinang pa ang mga mata ni tito na nakatingin sa lugaw.
Nang ilagay ni manang rosa ang bowl sa harap ni tito na gagamitin niya agad namang sinalinan yun ng lugaw at umapaw pa.
"Tito, dahan dahan hindi ka mauubusan. Marami po yang niluto namin." Natatawang sambit ko
Sumubo siya agad tapos nakita ko nalang na napangiwi siya. Ayan tuloy, napaso pa siya.
Umupo narin ako at niyaya ko yung mga kasambahay na makisalo na samin pero nahihiya daw sila kaya hinayaan ko nalang.
Syempre kumuha ako ng paborito kong champorado!
"Tito" tawag ko sabay subo ng champorado.
"Hmm?" Hindi pa tumingin si tito sakin. Busy kumakain.
"Anong oras daw po dating nila daddy?"
Nagpunas muna siya ng bibig niya bago tumingin sakin. "Mga tanghali daw sabi niya."
Tumango naman ako. "Bakit po di nila sinabi sakin na uuwi sila?"
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Novela JuvenilAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...