Chapter 8

33 3 0
                                    


Sa wakas! After a not so long trip we're finally here! Virgin Beach Resort, woww super duper ganda dito at madami dami ding mga turista dito. Actually nandito palang kami sa receptionist ng resort para makita yung pinabook naming 2rooms. Sila lucas ang kumakausap at kaming mga babae ay nagpipicture na dahil tanaw na dito ang dagat. Grabe! Sobrang ganda! White sand tapos ang ganda ng tubig!

"Aright, girls let's go na sa rooms naten" aya nila lucas

Bitbit pa ni lucas yung bag ko kahit sinabi kong ako na pero ayaw nya

May sumama saming isang staff para ituro kung saan ang rooms namin

At mas nagulat pa kami dahil malapit lang sa dagat yung mga room! Ang cool!

"Here's the first room ma'am, sir, yung isa po ito lang, katabi lang po" turo nung staff sa isang katabing kwarto

"Okay thankyou po" sabi namin

"Sige po, enjoy your stay here po, just let us know if you need anything po"

"Okay po salamat po ule kuya" magalang na sabi ko

Tumango na lamang sya at umalis na

"Sige na girls magpahinga na muna kayo then kakatok nalang kami mamayang lunch para kumain tayo at maglibot libot muna dito sa resort" sabi ni rex

Tumango nalang kami dahil pagod nadin kami sa byahe, kinuha ko na ang gamit ko kay lucas at nagpaalam na sa kanila

Umalis nadin sila at pumunta sa kanilang kwarto

Pagkapasok namin sa kwarto ay sobrang namangha kami sa ganda nito. Para siyang vintage style at may dalawang queen sized bed tapos may small table sa gitna nito na may lampshade

"Infairness sobrang ganda dito, worth it ang bayad naten!" Masayang saad ni thrixie

Nagsimula na kaming magayos ng gamit dahil pagod na kami at gusto naming matulog

"Eps solo ko tong isang kama ha? Jan na kayong dalawa" mataray na sabi ni thrix

Natawa nalng kami dahil kahit naman di sabihin ni thrix yun ay kaming dalawa parin ni sab ang magtatabi sa kama. Ewan ko pero ayaw kasi ni thrix na may katabi dahil magulo yan matulog HAHAHA

Naligo lang kami saglit bago nagtake ng nap. Hayyyyy there's a lot of things waiting for us here in batangas! Yey! I'm so excited!

~~~~~

Gumising na ako around 11am para magprepare na

Nagsuot lang ako ng one piece na black swimsuit na backless then pinatungan ko ng white lacey shorts. Ginising ko nadin sila sab at thrix para makapagayos nadin sila

Trip kong kulutin yung buhok ko para maganda sa pictures HAHA. So ayon kinulot ko sya pero wavy lang para cutie

Si thrix nagsuot ng yellow two piece swimsuit tapos nagpatong sya ng maong shorts, si sab naman ay two piece pero yung top nya parang sports bra style sya then nagmaong shorts din

Nung natapos kaming mag ayos ay lumabas na kami kahit wala pa sila lucas, balak naming magpicture muna sa labas habang inaantay sila

Pinicturan namin ang isa't isa, kung ano anong pose at kung san san kami napadpad dahil naghahanap ng magandang spot sa picture HAHAHA

Hanggang sa dumating nadin sila lucas, naka board shorts sila then polo na hawaiian yung design tapos nakaopen yung buttons nila para maexpose yung chest nila. Shet bakit ang gwapo ng mga kaibigan ko? Mga nakasunglasses pa sila katulad namin dahil tirik ang araw

"Let's go, i know u guys are hungry already" saad ni lucas sabay ayos ng buhok dahil hinahangin ito

"Wait, wait! Picture muna tayooo!" Sabi ni thrix sabay hila sa mga braso nila rex

Her luminous smile ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon