Bumalik na kami ni luke sa room. Gising narin sila sab at thrix pagkapasok ko sa kwarto namin."Gosh cha! Where have you been?" Alalang tanong ni sab
Ngumiti naman ako. "Nagbreakfast lang sabay naglakad lakad"
Nakahinga naman siya ng maluwag. "Akala ko tinakasan mo nanaman kami e"
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Di mo man lang kami ginising para nakasabay na kami sa pagkain ng breakfast." Tampong sabi ni thrix habang nag aayos sa harap ng salamin
"Oh tara na, sabay sabay na tayo. Tsaka lunch naman na baka nandun narin sila lucas."
Lumabas na kami at pumunta sa resto para kumain ng lunch. Pag dating namin nandun na silang lahat, kaming girls nalang ang inaantay. May mga pagkain nadin sa lamesa.
Lumapit ako kila lucas para bumati at humalik sa pisnge.
"How are you feeling?" Tanong nya
"I'm good. Nagtake na ako kanina ng gamot kaya di na masakit ulo ko." Saad ko sabay pasimpleng sumulyap sa harap ko na si luke na prenteng nakaupo.
"That's good. Upo na, kain na tayo."
Umupo naman ako at nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain.
"Tara mag water activities ngayon!" Yaya ni garry
"Oo nga! Para sulit ang stay natin dito! Kahit medyo masakit pa ulo ko" sabi ni tyler sabay hawak sa ulo
Natawa naman ako at naalala ang mga pinag gagawa nila kagabi.
Nagkwentuhan kami habang kumakain. Matapos kami kumain ay bumalik na kami sa kwarto para makapag ayos. Napagdesisyonan naming magwawater activities kami ngayong hapon.
Naligo ako at nagsuot ng simpleng rash guard para komportable kaming gumalaw mamaya. Pati si sab at thrix naka rash guard. Pumayag si thrix na eto ang isuot namin since medyo madami kaming itratry na activity.
Phone nalang ang dinala namin at hindi na yung digicam para hindi hassle. Gumamit nadin kami ng phone protector for water para magamit namin kahit basa kami o nasa ilalim ng tubig.
Pati ang boys ay naka rash guard aba. Ang hot at gwapo parin nila tignan bakit ganun?
Una naming ginawa ang snorkeling, pinasuot na samin ang mga swimming gear at dinala sa medyo malalim na part ng dagat. Isa isa kaming pinalusong. Pero syempre binigyan muna kami ng instructions para alam namin ang gagawin. Hawak kamay kami ni sab na lumusong at sobrang namangha kami sa ganda ng ilalim ng dagat. Sobrang ganda at makulay ang mga coral reefs dito. Ang healthy nila at halatang naaalagaan ang beach na ito. Madami ding mga isda na maliliit. Nag explore lang kami sa ilalim. Syempre hindi ko nakalimutan mag video at picture for remembrance. Nabitawan ko ang kamay ni sab dahil lumipat siya ng pwesto at ako naman ay busy sa phone ko na nagtatake ng pictures.
Nagulat ako nang may humawak sa bewang ko, pagtingin ko si luke pala. Nakalapit na siya sakin at siya na ang may hawak sa kamay ko. Nagthumbs up pa siya sakin kaya nagthumbs up din ako sa kanya.
Syempre nagpicture kaming dalawa at vinideo ang sarili namin. Habang ang iba ay busy na pinagmamasdan o nagpipicture sa mga corals at fishes.
Sabay kaming lumalangon ni luke, nakahawak ako ng mahigpit sa kamay nya. Grabe! Sobrang ganda dito! Ang linaw ng tubig at sobrang ganda ng mga corals dito! Tapos parang ang saya saya pa ng mga isdang nakatira dito! HAHAHA ang kyot nilaaaa!
Matapos ang oras namin sa pag snosnorkeling ay nagpahinga kami saglit sa tabing dagat. Nagpicture picture at kumain ng watermelon na bigay ng staff, grabe ang bait nila sobra.
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Dla nastolatkówAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...