Last day na namin dito at bukas na kami babalik sa manila. We've decided to just roam around the place and buy souvenirs for our family. Sila mom, dad at mga kasambahay lang naman ang papasalubungan ko kaya konti lang bibilhin ko.Syempre mga t-shirts isa na dun ang binili ko. Since nandito palang kami sa mga souvenir shop na nagbebenta ng shirts, keychains, ect. Mamaya mga food ang bibilhin ko mas gusto nila mommy yun e hahaha.
Naka akbay sakin ngayon si luke at tumitingin ng ipapasalubong nya sa pamilya niya. Sila sab din pero ang iba ay nasa ibang store para bumili ng iba pang mga gamit.
"Eto kaya cha, bagay ba sa kapatid ko?" Tanong ni luke sabay pakita ng t-shirt na blue.
"Ano ba yung kapatid mo, lalaki o babae?"
"Girl"
"Ee? Girl pala sabay blue yung shirt na ibibigay mo!" Natatawang sabi ko
"Hindi ko alam kung anong ibibigay ko dun. Maarte kasi yun e." Sabi nya sabay kamot sa batok
Natawa naman ako. "Give her foods nalang like famous delicacies of batangas. Baka mas gusto niya yun." Suggest ko
Nagkibit balikat naman ito. "Yeah mabuti pa nga."
Kaya naman pumunta kami sa isang shop na puro pagkain ang tinda.
Naghanap ako ng kapeng barako for dad kasi gusto nya yun. Then bumili kami ng panocha, tableya for champorado dahil masarap daw yung champorado pag tableya ang nilagay, then sweet tamarind at iba pang pagkain na makita naming mukhang masarap haha. Habang nasa counter na kami at nagbabayad, nilibot ko ang aking paningin sa loob ng shop at may nahagilap ako.
"Luke wait may nakalimutan pa pala ako." Paalam ko kay luke at hindi na inantay ang sagot nya. Agad ako pumunta sa shelf ng lambanog.
Matagal ko ng gustong bumili nito at itry. Paniguradong magugustuhan ni dad to kaya naman bumili ako ng tatlong bote ng lambanog at dinala sa cashier.
"Aanhin mo yan?" Gulat pa ata siya dahil madami tong dala kong alak
"Para kay daddy" simpleng sagot ko
"Miss, padagdag po ito." Sabi ko sa cashier.
"Baka naman sayo yang isang bote jan"
Natawa naman ako. "Titikim lang grabe ka"
"Psh pasaway" sabay iling nya
Ang cute nya hahaha
Matapos kaming namili ay bumalik na kami sa kwarto para mailagay ang mga pinamili namin. Maglalunch narin kaya kakain na kami.
Pagdating ko sa kwarto nandun na sila sab at thrix na nag aayos din ng mga pinamili.
"Cha" tawag sakin ni sab
Lumingon ako sa kanya at nakita ang seryosong mukha nya. "Hmm?"
"What's with you and luke?"
Natigilan naman ako. Ano nga ba kami ni luke? "Friends" maikling sagot ko. Parang labag pa sa loob ko na yun ang sinagot ko.
Tumaas naman ang kanang kilay nya. "Really?"
Tumango naman ako. "Bakit? Anong meron?"
"Wala naman." Nagkibit balikat siya sabay lumapit sakin tapos niyakap ako.
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Teen FictionAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...