Chapter 21

26 1 0
                                    


Friday ngayon at nandito kami sa gym ng school at magvovolleyball. Dapat thursday ang P.E namin pero since wala ang prof namin ngayon sa economics, napagdesisyunan nalang na mag P.E kami para hindi sayang ang oras. Buti nalang may mga damit kami sa locker kaya ready kami maglaro anytime.

Grinupo grupo na kami, kagrupo ko si sab at lucas. Nahiwalay samin si thrix at tyler. Kalaban din namin si luke. Dala dalawang grupo muna ang maglalaro ngayon since parang trip trip lang to at walang grades. Para lang hindi masayang ang oras namin.

Grupo ko ang naglalaro at grupo nila thrix. Masaya lang na nanonood ang prof na nagbabantay samin pati narin ang mga classmate namin.

"Oh mine!" Sigaw ni sab

Tinira ni sab ang bola at napunta sa kabila.

Pagbibigyan lahat ng grupo na makalaro ngayon kung kaya pa sa oras.

So far wala pa namang nagaganap na grabe. Tamang laro laro lang at ineenjoy namin ito.

Nang matapos ang laro namin ay nagpahinga kami at sumabak naman ang ibang grupo. Umupo ako at uminom ng tubig.

"Okay kapa?" Tanong ni lucas sakin nang makalapit at umupo sa tabi ko

Tumango naman ako. "Yup"

"Wag kang masyadong magpagod. Baka hikain ka." Paalala nito

Ngumiti naman ako. "Dala ko yung inhaler ko."

"Kahit na." Saway niya

Natawa naman ako sa kanya.

Nanood lang kami sa mga naglalaro.

Busy ako nagchicheer at nakikitawa sa mga kaklase ko ng narinig ko na tumutunog yung phone ko sa bag ko.

Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag.

Garry calling...

Bakit siya natawag? Wala kaya silang klase?

Tumayo ako.

"Oh san ka pupunta?" Tanong ni sab sakin ng makitang paalis ako sa pwesto namin.

"Sagutin ko lang tong tawag ni garry." Saad ko

Tumango naman siya at naglakad na ako palayo sa mga naglalaro para hindi masyadong maingay.

"Hello?" sabi ko pagkasagot ko sa tawag.

"C-cha" nangangatal na sambit niya.

"Oh bakit garry? Wala kayong klase? Asan ka?" Sunod sunod na tanong ko.

"N-nandito kami ni james sa ospital." Nararamdaman ko ang kaba sa tinig niya

"Bakit?" Kinabahan ako bigla.

"S-Si... S-Si C-cedric." Nanginginig ang boses nya.

Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. "B-bakit? Anong nangyari sa kanya?"

Wala akong narinig na sagot sa kabilang linya.

"Garry?" Tawag ko

"W-wala na siya.."

Nang marinig ko ang sinabi niya literal na napaluhod ako dahil sa sobrang panghihina.

"A-ano?" Tanong ko. Baka kasi mali yung pagkakarinig ko sa sinabi niya.

"W-wala na siya cha. W-wala na si cedric." Naririnig ko ang mahinang paghikbi ni garry sa kabilang linya.

Dun ko na nabitawan ang cellphone ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.

No. No. This can't be happening. No!

Patuloy lang na umaagos ang mga luha ko sa pisngi ko. Pinipigilan kong humikbi ng malakas dahil baka marinig nila.

Her luminous smile ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon