I was packing some foods to bring sa batangas when i heard some loud horns outside. Dali dali akong kumilos para hindi sila magalit sakin"Dein ilabas ko na ba itong gamit mo?" Tanong ni dad sakin
"Uhm yes dad please po tapusin ko lang po ito" magalang na sabi ko
Kinuha na ni dad yung bag ko at lumabas ng bahay
Pagkatapos ko magpack ng foods namin ay lalabas na sana ako sa dinning nang makasalubong ko si mom na bagong ligo
"Oh baby nanjan na sila sabrina?" Tanong nito habang nagsusuklay ng buhok
"Ah yes mom nasa labas narin po si dad inabot yung gamit kopo"
"Oh sige sige, magiingat kayo ha? Iupdate mo ako lagi and lagi kita kakamustahin kay lucas okay?" Bilin nito
"Mom okay lang ako wag mo na istorbohin si lucas po"
"Aba hindi pwede chandria dein"
"Hayss okay po mom. Sige na mom ingat po kayo ni dad ha mamimiss kopo kayo" sabi ko sabay kiss sa pisngi ni mom
"We will miss you too baby, yang pera mo ha wag masyadong magastos and hingi ka ng extra kay dad HAHA"
"Nako mom alam nya na po na may pera na ako di na ako bibigyan nun" malungkot na sambit ko
"Matitiis kaba ng daddy mo?" Natatawang sabi ni mom
Tumawa nalang ako at kumaway na tsaka lumabas ng bahay
Naabutan ko pa na kausap ni dad sila lucas at sab. Hays nagbibilin nanaman si daddy
"Dad, alis na po kami, ingat kayo ni mom ha" sabi ko pagkalapit ko kay dad at kiniss sya sa pisnge
"Ingat den kayo dein" sabi ni dad sakin sabay ngiti
"Oh lucas, sabrina, kayo na bahala kay dein ha. Yung mga sinabi ko wag niyo kakalimutan" paalala ni dad
"Yes po tito!" Sabay na sagot ni lucas at sab. Nagsalute pa si sab. Sira ulo talaga HAHA
"Dein oh dagdag sa pera mo" sabay abot ni dad ng cash sakin
Weewww tama nga si mom!
"Yeyy! Thankyou dad! Asahan mo pong may pasalubong ako sainyo ni mom!" Masayang sabi ko kay dad
Ginulo lang ni dad ang buhok ko sabay ngiti
"Oh sige na gumayak na kayo baka matraffic pa kayo sa daan" sabi ni dad sabay tapik sa braso ni lucas at sab
Sumakay na kami sa jeep wrangler ni rex at kumaway na kay dad then umalis na kami para sunduin si thrixie
Hindi naman kalayuan ang bahay nila thrix kaya nakarating agad kami sa kanila
Bumusina si rex para ipaalam na nandito na kami, maya maya lang ay lumabas na si thrixie kasama si tita Xiameer at ang yaya nila na buhat buhat si thrixia.
Agad naman kaming bumaba ni sab para salubungin sila
"Hi tita xiameer!" Bati ko sabay beso
"Hi tita xia! Grabe ang ganda ganda niyo parin po kahit dalawa na po anak niyo!" Bati din ni sab sabay beso rin kay tita
Tumawa naman si tita. "Kayo talaga hindi parin nagbabago, bolera parin kayo". Nagtawanan naman kami
Lumapit ako kay thrixia at kinurot ng mahina ang pisngi
"Hi baby thrixia! Ang cute cute mo!" Kumento ko
"Mommy alis na po kami, don't worry about us po" saad ni thrixie kay mommy nya
"Oh sige sige, magiingat kayo ha, damihan niyo ang picture okay?"
Nagtawanan naman kami sa huling sinabi ni tita. Sobrang hilig nya kasi sa pictures, pag pumasok ka sa bahay nila puro pictures ang makikita mo pati nga mga mukha naming magbabarkada meron dun e apaka thoughtful ni tita. Super sweet hihi
Nagpaalam narin ang mga boys kay tita at tuluyan na kaming umalis
Mga 2-3hrs lang naman ang byahe papuntang batangas pag galing ka sa manila kaya okay lang. Dipende nalang pag traffic. Sana hindi para makarating agad kami dahil super excited na kami!
Since wrangler unlimited ito or yung 4 doors hanggang 5 passengers lang ang kakasya kasama na yung driver. So ang pwesto namin ngayon ay si rex ang driver, katabi nya sa passenger seat si tyler, then kaming girls nandito kami sa likod yung parang compartment dito kami pumwesto enjoy then yung ibang gamit namin nasa loob. Kasama din namin si lucas dito sa likod taga picture namin pag maliwanag na oh diba HAHAHA
Nang lumiwanag na, picture picture na kami dito sa likod and of course ang photographer namin ay si lucas na willing din naman kaming picturan
Kung ano anong pose ang ginawa naming tatlo, nagsolo kami then dalawa dalawa then kaming tatlo meron din kaming pic na dalawa ni lucas meron din sila sab at thrix. Ang wala lang sila rex at tyler dahil busy sa soundtrip sa harap. Mamaya nalang pag dating namin sa batangas tsaka kami kukuha ng madaming picture hwahaha
Nang mapagod kami magpicture ay umupo nalang kami at dinama ang malamig na hangin. Ang sarap sa feeling kapag ganito, pakiramdam ko parang malaya ako, parang wala akong problema, walang burden. Sana ganito nalang lagi. Hays
"You okay?" Tanong ni lucas sakin sabay upo sa tabi ko at nag abot ng softdrink na nasa can
"Thanks" sagot ko
"You didn't answer my question dein"
"Oh sorry haha, oo naman i'm okay" natatawang sabi ko
"Sure?"
"Yup"
"Pero hindi yan ang sinasabi ng mga mata mo dein. Kilala kita. Sige na, tell me" pamimilit nito
Hays wala talaga akong takas kay lucas
"Natutuwa lang ako kasi nararanasan ko ito ngayon" sagot ko
Nakatitig lang sya sakin habang inaantay ang mga susunod na sasabihin ko
"Kasi feeling ko wala akong dinadala, na ang saya ko lang, na walang humahandlang na maging masaya ako at gumawa ng memories kasama kayo" tuloy ko
Nagvideo narin pala ako kanina nung sumikat na ang araw. Sinabi ko sa video kung anong ganap ngayon at kung sinong kasama ko at saan ang punta namin
"Wala namang humahadlang sayo na gawin lahat ng gusto mo dein e, diba nga nandito pa kami para samahan ka na tuparin lahat ng yun" sabi nito sabay hawak sa kanang kamay ko
"Meron lucas... yung sakit ko. Sobrang limitado lang ng mga dapat gawin ko. Dapat hindi masyadong magpagod, e pano yun gusto kong sumali sa varsity sa school, gusto ko maghiking, gusto ko pa mag sky diving. Pano nalang yung mga yun? Pano ko matutupad kung hindi ako pwedeng mapagod at kung hindi, tigok ako"
Pinisil nya ang kamay ko habang mariing nakikinig saakin
"Lucas gusto ko rin maranasan yung maging normal. Yung walang iniisip na may sakit ako. Gusto kong gawin yung gusto ko without thinking twice. Paano yun lucas?" Mangiyak ngiyak kong saad
"Shhh its okay dein, matutupad mo lahat yan basta tatagan mo lang at wag na wag kang susuko ha, maliwanag ba?"
Tumango nalang ako sa pinunasan ang gilid ng aking mata
"Promise me you'll hold on tight whatever happens"
"Promise"
"Good. I'll hold unto that"
Ngumiti naman ako sa kanya at sumandal sa dibdib nya. Niyakap naman nya ako at hinayaang pakinggan ang tibok ng puso nya
Lucas sana mapatawad moko kapag hindi ko natupad yung pangako ko sayo. Sorry. I'm so sorry bestfriend.
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Ficção AdolescenteAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...