Chapter 9

37 3 0
                                    


Malapit na kami sa kwarto namin at tanaw ko na sila sab sa labas na parang natataranta tapos sila lucas naman ay parang may kausap sa phone.

"Damn hindi sya sumasagot sa tawag ko. Asan na kasi sya!?" Halatang nafrufrustrate na si lucas sa tono ng pananalita nito

"U-uhm guys" nahihiyang tawag ko sa kanila

Sabay sabay silang tumingin sa akin at kitang kita sa expression nila ang pag aalala at relief. Ngumiti naman ako ng maliit dahil nahihiya ako kasi pinag alala ko sila

Biglang tumakbo si lucas sakin at niyakap ng mahigpit. "Damn cha, pinag alala moko ng sobra. San kaba galing?" Sabay tingin nya sa mukha ko

"D-dun sa side ng resort. May mga bato kasi ang ganda kaya pumunta ako para magpicture hehe" nahihiyang sagot ko

"E bakit hindi ka nagpasama samin!? Cha naman! Papatayin mo kami sa pag aalala sayo e!" Sigaw ni thrix sakin na halatang nagaalala din

Humiwalay ako sa yakap ni lucas at tinignan sila

"Sorry na guys. Nandito na ako oh, nakita ako ni luke dun. Okay naman ako ah wala namang nangyaring masama sakin"

"Pero pano pag bigla kang nawalan ng malay sa pagod? O kaya hi-"

Bago pa may mabanggit na iba si thrix ay pinigilan ko na sya. "Hindi nangyari kaya please stop overreacting guys. I'm fine. Jeez"

"Hayaan niyo na, mukha namang okay sya kaya kumalma na kayo" sabi ni luke sabay tingin sakin. Ngumiti naman ako sa kanya

Bumuntong hininga nalang sila at umalis na para makabalik sa kani kanilang kwarto.  Pumasok nadin ako sa kwarto namin para makapag pahinga bago kami magdinner

"Cha ano bang tumatakbo sa isip mo at naisipan mong humiwalay samin ng hindi nagpapaalam!?" Bungad ni sab pagpasok ko palang sa kwarto namin

Tahimik lang sya kanina alam kong pinipigilan nya lang na magalit sakin kanina kasama ang iba kaya ngayon dito nya ako sa kwarto papagalitan

"Gusto ko lang naman iappreciate lahat ng nandito sa resort" simpleng sagot ko

"Ikaw nagsasaya dun sabay kami parang mamamatay na dahil sa pag aalala sayo! Cha magisip kanga! Pano pag inatake ka ng hika mo habang papunta ka sa letcheng mga bato na yun! Pano kung may biglang lasing jan tapos lapitan ka, ano madedepensahan mo ba yang sarili mo? Paano kung-"

"Pwede ba! Tumigil na kayo sab, rinding rindi na yung tenga ko oh! Oo na mali na ako! Oo na hindi ako nagpaalam sa inyo kaya nagalala kayo ng sobra sakin! Pero sab wag mo naman akong maliitin. Kaya ko yung sarili ko! Kahit naba may sakit ako o babae lang ako kaya ko ang sarili ko! Puta, kaibigan ko ba kayo?!" Gigil na sigaw ko sa kanila at unti unting tumulo ang mga pesteng luha ko

Lumapit naman kaagad si thrix sakin ng makita nyang umiiyak ako. Niyakap nya ako at inalo

"Alam ko naman na may sakit ako sab, aware ako, pero sana wag niyo ng hadlangan yung gusto kong gawin. Malaking hadlang na nga yung sakit ko tapos pati kayong mga kaibigan ko hahadlang din kayo? Ano ba naman yan lalayo lang ako sainyo saglit para mapag isa at magisip isip. Big deal ba yon sab?" Sabi ko sa gitna ng pagiyak ko

"Cha tama na" pinapatahan ako ni thrix

"Cha sorry, i didn't mean that way. Sobra lang kaming nag alala sayo. Cha sorry" lumapit si sab sakin at niyakap

"Shhh sorry cha, sorry" ulit nito

Bigla naman akong nahirapan huminga at parang hinahabol ko ang hangin

Bumitaw sakin si sab at tinignan ako "Cha? Are you okay?" Alalang sabi nito

Hindi ako makasagot dahil hirap na hirap akong huminga

Her luminous smile ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon