Chapter 10

35 3 0
                                    


Luke's POV

Bakit ang sakit na makitang nakahiga si cha-cha dito sa hospital bed? Ang sakit makitang mahina sya. Sobrang minsan ko lang syang makitang mahina at ganito pa ang sitwasyon nya. At the same time naguguluhan ako dahil hanggang ngayon hindi ko parin alam ang totoong sakit nya. Hika lang ba talaga? O meron pang mas malala?

Nandito ako ngayon sa tabi ng kama nya, nakaupo at hawak ang kamay nya. Tulog parin sya at naka oxygen. I hate seeing her like this. I can't take it.

Tulog sila sabrina at thrixie sa may sofa dito sa kwarto. Habang sila cedric ay lumabas para bumili ng makakain namin dahil gabi na at di pa kami nagdidinner.

Nang makita ko sya kanina sa kwarto nila sa resort na hirap na hirap huminga at tuloy tuloy ang pag luha ay alam ko ng may mali. Hindi lang hika ang sakit nya. I need to know. Kasi kung hindi mababaliw ako kakaisip kung ano ba talagang nangyayari sa kanya.

Nakatitig lang ako sa maamo nyang mukha. Malaya ko siyang natititigan  ng matagal ngayon. Ngayon ko lang nakita ang totoo nyang ganda. Sobrang ganda nya pala lalo pag natutulog. Para siyang anghel. Pag kasi gising siya para siyang amazona na ewan hahaha.

Namumutla parin sya at maga ang mga mata kahit nakapikit sya kita parin.

Hinawakan ko ng marahan ang pisnge nya ay hinawi ang mga buhok na nasa mukha nya.

Cha, kapag nagising kana please tell me everything. I'll try to understand you. I promise to stay by your side no matter what. Basta ipaliwanag mo lahat sakin cha. Pangako di kita iiwan at tutulungan kitang lumaban.

Hindi ko alam na tumulo na pala ang luha ko habang kinakausap sya sa isip ko.

Bago pa may makakita sakin ay pinunasan ko na ang luha na tumulo sa pisnge ko.

Naramdaman ko naman na gumalaw ang daliri ni cha

"Cha? Can you hear me? Please move your index finger if you hear me" sabi ko sa kanya

Ginalaw nya naman ang daliri nya kaya napangiti naman ako.

Tumayo ako para makita sya ng mabuti.

Nakita kong dahan dahan nyang dinilat ang mga mata nya.

Nang tuluyan na nyang madilat at ngumiti sya sakin ng maliit.

"Hey, how are you feeling? Do you want to drink some water?" Pagtatanong ko sa kanya

Hindi sya sumagot at tumitig lang sakin habang hindi nawawala ang maliit na ngiti nya.

Yumuko naman ako ng bahagya at hinalikan ang noo nya.

"Wait i'll call the doctor" paalam ko at lumabas na para matawag ang titingin na doctor sa kanya

Chineck up lang sya. Nagising narin sila sabrina at thrixie. Pero wala parin sila cedric. Baka natagalan sa pagbili ng pagkain.

"She's fine now. She just need to rest. Hayaan niyo lang syang magpahinga at wag iistress. Ms. Guzman, kumain ka ng marami para magain mo agad ang energy mo." Bilin ng doctor.

Tumango nalang si cha at nagpaalam na ang doctor sa amin

Lumapit naman sila sab at thrix kay cha.

"Cha okay kana?" Tanong ni thrix sa kanya

Tumango naman si cha-cha

"C-cha, sorry ha" mangiyak ngiyak na sabi ni sab

Hinawakan naman ni cha ang kamay ni sab

"Don't worry, i'm not mad at you" mahinang sagot ni cha.

Niyakap naman niya si cha bigla. "Oh God, you made me worried sick!"

Her luminous smile ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon