Chandria's POV"How are you?"
"I'm good, kakatapos ko gumawa ng requirements ko." Masayang sabi ko kay sabrina
"E ano na yang ginagawa mo? Bakit parang busy ka?"
Tumawa ako. "Wala trip ko lang, wala kasing magawa dito sa bahay di naman ako pwede lumabas."
"Aba dapat lang!"
Napailing naman ako. "Opo mama"
Nakita kong umirap si sab sa kabilang screen.
"Cha"
"Hmm?"
"May gusto akong sabihin"
"Ano yon?"
"Uhm si l-luke—"
"Ay sab may gagawin pa pala ako may nakalimutan akong isang requirement na kailangan ipasa bukas. I'll call you later ha." Pagsisinungaling ko
"Arrg!!" Nafrufrustrate na ata si sab. "Bakit ba pag may sasabihin ako about kay luke lagi mong iniiwasan?!"
Tumingin ako ng seryoso sa kanya. "Para san pa?"
"Hindi mo na ba siya mahal?"
Huminga ako ng malalim. "Ofcourse i still love him. Pero masama ang loob ko sa kanya dahil hanggang ngayon hindi siya nagpaparamdam sakin."
Tahimik naman na nakikinig si sab sakin.
"Ni hindi nga nya ako hinahanap—"
"Paano ka hahanapin kung ayaw mong ipasabi kung nasaan ka!? Siraulo ka ata cha!"
Natigilan ako sa pagsigaw ni sab. Oo pala, binilin ko sa kanila na huwag na huwag sasabihin kay luke kung nasan ako.
"Cha hinahanap ka nya. Hanggang ngayon kinukulit niya kami na sabihin kung nasan ka. Hindi mo alam kung pano kami nagpipigil na ipaalam sa kanya."
Bumuntong hininga ako. "Not now. I'm not yet ready to explain everything."
"When will you be ready?"
Napaisip naman ako sa tanong niya. Kelan nga ba?
"I don't know." Tapat na sagot ko
"Kapag huli na ang lahat? Kapag napagod na siyang hanapin ka?"
Hindi naman ako nakaimik.
"Wag mo ng intayin na dumating ang araw na yun cha. Huwag mong pagmukain na tanga yung tao. Kami ang naaawa e."
Tumango naman ako. "I'll tell you once i'm rea—"
Naputol ang pagsasalita ko ng bumukas ang pintuan.
"It's time for your meds, cha." Sabi ni tito ali na nurse ko.
Ngumiti naman ako tsaka tumango.
"Oh is that tito ali?" Tanong ni sab
"Oh? Hi sabrina!" Bati ni tito at dumungaw sa laptop ko
Nakita ko namang kumaway si sab sa kanya. "Tito ali! Kamusta naman po si cha na pasyente?"
"Nako sobrang tigas ng ulo niyang batang iyan!"
Napatingin naman ako kay tito ali. "Po? Hindi kaya tito!" Bumaling ako kay sab. "Wag kang maniwala kay tito, sab!"
"Tsk anong hinde, e nung isang araw nagskip yan ng paginom ng gamot niya dahil nagpasama kay lucas na pumunta sa mall kaya hindi nakainom ng gamot sa tamang oras."
Napailing naman ako. "Ininom ko din naman po paguwi ko e!"
"Kahit na! Oras ng paginom ng gamot dapat tama at sakto!"
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Novela JuvenilAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...