"L-luke?"Para akong nakakita ng multo sa sobrang pagka gulat. I didn't expect him to come here since hindi nya kami naaalala.
"Gusto daw niya makita si cedric." Wika ni lucas na may maliit na ngiti parin sa labi.
Napatingin ako sa kanya na tila naguguluhan. "Naka alala na siya?"
Umiling naman siya kaagad. "Gusto niya makita si cedric baka sakaling maalala niya ito."
Tumango naman ako dahan dahan sabay tingin kay luke. "Umupo na muna kayo, kukuha lang ako ng meryenda niyo."
Nagsitanguan naman sila at tsaka ako umalis para pumunta sa kitchen.
Hindi parin ako nakaka kalma, ang bilis parin ng tibok ng puso ko. Sobra akong kinakabahan tuwing nararamdaman ko ang presensya ni luke, pano pa kaya pag nakita ko na siya at malapit siya sakin baka himatayin na ako.
Kumuha ako ng meryenda at dinala sa kanila, naabutan ko naman sila rex at tyler na nasa harap ng kabao.
"Here" abot ko ng mga pagkain sa kanila. Nakaupo sila sa second row lang sakto sa likod ng pwesto namin nila sab.
Katabi naman ni thrixie si lucas at nakasandal siya sa balikat nito.
"Thanks cha." Sambit ni garry
Ngumiti lang ako at bumalik sa kitchen para kumuha ng bottled water para sakin.
Habang nakaupo sa monoblock na upuan dito sa kitchen ay kumakain narin ako dahil hindi pa ako nagmemeryenda.
Nakaharap ako sa pinto kaya nakikita ko ang mga pumapasok at lumalabas ng kitchen.
Busy akong kumakain at pinagmamasdan ang bawat kilos ng mga tao dito nang biglang bumukas ang pinto at nakita ko si lucas na parang may hinahanap.
Nang magtagpo ang aming mata agad siyang lumapit sakin.
"Kanina pa kita hinahanap."
Ngumiti ako. "Dito na ako kumain para di ako makaistorbo kila sab." Pagsisinungaling ko
Ang totoo ayaw kong makita muna si luke dahil nagiging abnormal ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko masama yun para sakin. Para akong mababaliw na ewan.
"Gusto sana kita kausapin."
Napatingin naman ako ng naguguluhan kay lucas. "About?"
He sighed. "Well, nakaka alala na si luke pero not totally. May mga konting info na siyang nalalaman satin at naaalala narin niya ang iba satin."
Napa awang ang bibig ko. Hindi ko alam ang irereact ko sa sinabi ni lucas. "Really?"
Tumango naman siya. "Garry and james went to luke's house yesterday then kinwento nila lahat from paano sila nagka kila kilala hanggang sa nangyari yung aksidente. They even told me that they rushed luke to the hospital kasi nawalan daw ito ng malay habang nagkwekwento sila."
"What? Ano daw nangyari? Is he okay?" Bigla akong nag alala dahil sa sinabi niya.
"He's fine. Sabi ng doctor ganun daw talaga pag napwepwersa ang isang taong may amnesia na maka alala. And besides, may naalala na si luke kahit papano."
Nakahinga naman ako ng maluwag. "Pero bakit sinabi mo sakin kanina na hindi pa siya nakaka alala?"
"Ayoko lang na umasa ka, kayo nila sab. Kasi konti palang naaalala niya. Gusto naming ipaalam sainyo kapag naka alala na ulit siya yung as in lahat na nangyari noon alam na niya. Tsaka hindi ko na napigilan kaya nilapitan na kita at sinabi ang nalaman ko kasi pakiramdam ko deserve mo din naman malaman ang totoo at hindi paglihiman."
Tumango naman ako. "I understand."
Ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko.
~~~~
Ilang araw na ang lumipas mula nung dumalaw kami sa burol ni cedric. Hindi kami masyadong maka dalaw dahil pumapasok kami at maraming requirements.
Napapansin ko rin na dumadalas nanaman ang panghihina ng katawan ko at nagiging sakitin nanaman ako. Umiinom naman ako ng vitamins pero bakit ganito. Hindi rin ako masyadong nagpapagod at nagpupuyat dahil alam kong bawal sakin yun. Minsan pinagpapaliban ko nalang baka dahil sa lamig kaya madalas ako magkasakit.
Wednesday na ngayon at sa sabado na ang libing ni cedric. Sabi nila tita casmir na hindi nalang nila icrecremate si cedric at itatabi nalang sa puntod ng lolo at lola niya.
Nakakalungkot dahil ang bilis lumipas ng araw at tuluyan na kaming iiwan ni cedric. Si ceddie hindi pa pumapasok baka nextweek pa. Pati si thrixie hindi pumapasok at nandun lang sa chapel binabantayan si cedric.
"Ms. Guzman! Where on earth is your attention?!"
Nagulat ako sa sigaw ng terror na prof namin.
"I'm sorry ma'am." I can't look straight into her eyes, masyadong nakakatakot.
"Kung hindi ka interesado sa lesson natin pwede ka ng lumabas!"
"Sorry ma'am." Hingi ko ng tawad
"Paano ka magiging honor student kung ganyan ka! Be responsible! Kung may problema ka iwan mo sa bahay niyo yan!" Sermon niya
Tumungo nalang ako at pinipilit na wag ng sumagot baka lalong magalit tapos ibabagsak ako.
Naramdaman ko naman na hinawakan ni sab ang kamay ko na nakapatong sa table ko. Umangat ang tingin ko sa kanya and i saw an apologetic smile.
I smiled, full of sadness and pain. "I'm okay"
She muttered 'okay' before looking back at the board.
Tumungo nalang ulit ako at hindi ko napansing tumutulo na ang mga luha ko. How i hate this kind of feeling, i feel like i'm so weak. Dammit.
Narinig ko na si ma'am na nagpaalam na at dinismiss na kami.
Tumabi si lucas kaagad sakin pagkaalis ni ma'am. "Hey, you okay?"
Tumango naman ako kahit nakayuko parin ako.
Pinilit silipin ni lucas ang mukha kong nakatungo at natatakpan ng buhok ko.
"Why are you crying? Wag mo ng isipin yung mga sinabi ni ma'am ganun talaga yun. Bakit kasi preoccupied ka kanina? What's bothering you?"
Tumingin na ako sa kanya. "I can't handle it anymore. It's too much lucas. Konting konti nalang bibigay na ako." Dun na ako tuluyang humagulgol. Kokonti nalang kami dito sa room dahil ang iba ay nagsiuwian na.
"Alin ba?"
"Lahat. Si cedric. Si luke. Ang grades ko. Lucas i don't think i can make it. Hirap na hirap na ako."
Tinabig niya ako at niyakap. "Don't say that. We're here oh. Hindi ka namin hahayaan na mag isa. You know that we're here. Hindi mo kailangan solohin yan cha."
Naramdaman ko ding yumakap si sab sa likod ko.
"Cha, wag ka naman gumaya kay thrixie oh. Wala na akong makakasama pag gumaya ka kay thrixie." Mangiyak ngiyak na sambit ni sab
Tumawa naman ako ng mahina. "I'm not. Its just that pakiramdam ko sasabog ako pag hindi ko pa nailabas to. Hayaan niyo lang na ilabas ko lahat please."
"Go on. Hindi ka namin pipigilan. Hanggang sa mapagod ka."
Nakita ko naman si luke na seryosong nakatingin sakin. Maya maya ay tumayo na siya at lumabas sa room.
Sana matapos na lahat ng ito. Nakakapagod na sobra. Hindi ko na alam gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Roman pour AdolescentsAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...