Chapter 32

30 1 0
                                    


"Always call or text me dein ha" bilin ni lucas sakin

Tumango naman ako. "Don't worry, i'll call you."

Nandito na kami sa airport na pagmamay ari nila tito ali, dito narin nag aantay ang plane na sasakyan namin.

"Magiingat ka dito lucas ha, tawagan mo lang si tito ali mo kapag may kailangan ka." Sabi ni mom

Tumango naman si lucas. "Opo tita, kayo rin po magiingat."

"Oh sige na papasok na kami sa loob. Take care of yourself lucas." Yumakap na sila mom at dad kay lucas.

"I'll miss you spoiled brat." Nang aasar na sabi ko

Inirapan naman niya ako tsaka niyakap. "Take care of yourself. Wala ako dun para tabihan ka kapag gabi."

Pinalo ko naman siya ng mahina sa likod. "Shut up."

Tumawa naman siya. Matapos kami magpaalam kay lucas ay pumasok na kami sa loob. Wala pala si tito ali, may surgery siya ngayon kaya hindi na niya kami nahatid.

Agad na kaming sumakay sa eroplano, kasama namin si manang rosa kaya apat kami dito then yung piloto at mga flight attendant.

Pumwesto ako sa bandang likod para di ko maistorbo sila mom mamaya pag magmumusic ako. Gusto ko kasi ng medyo malakas, di na uso earphones sakin pag magtratravel.

"Hayyy" sa wakas hindi ko na suot yung mask ko at makakapagrelax na ako.

Halos 16hrs din ang byahe namin.

Nangmakapag take off na kami agad kong nilabas ang phone ko at nagvideo.

"It's been a while since i recorded myself. Now i'm going back to the philippines!" Masayang wika ko. "Can't wait to see my friends and i'm really excited! See you in a bit pinas! I'll be back once we're there na." Pinatay ko din agad ito at kinuha ang laptop ko. Mageedit nalang ako ng mga videos ko dahil matagal tagal din akong hindi nagedit dahil nagpahinga ako sa ospital.

"Ma'am, what do you want for breakfast?"

Hindi ko namalayang nasa tabi ko na yung FA at tinatanong ako.

"Pancakes and coffee will do."

"Okay ma'am"

Ngumiti naman ako at bumalik sa ginagawa ko.

Wala akong ginawa buong byahe kundi ang magedit ng videos at manood ng mga vlogs ng famous vloggers.

Nang maghapon na, napagdesisyonan kong matulog at magpahinga muna. Sumasakit narin ang mata ko dahil nakatutok sa laptop ng matagal.

Inayos ko ang upuan ko at ginawa kong higaan. Nagplay rin ako ng music at nagtaklob ng buong katawan gamit ang kumot.

Maya maya lang naramdaman ko na ang antok ko at nakatulog naman ako kaagad.

Hindi na ako nakapagdinner dahil sinulit ko na ang tulog ko. Ginising nalang ako nila mommy nung malapit na kami.

Mga hating gabi narin ng makarating kami sa pilipinas. Pagkalabas namin sa airport sinalubong agad kami ni kuya mike.

"Hi sir deinel! Ma'am chanel! Hi dein!" Masayang bati niya

Napangiti naman ako kahit hindi kita dahil nakamask ako. "Kamusta ka dito kuya mike?"

"Okay naman pero masaya na ako dahil meron na kayo!"

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nakakamiss ang kakulitan ni kuya mike.

"Tara na sa restaurant kahit na muna tayo. Hindi kapa kumain dein ha." Paalala ni daddy

Tumango naman ako at sumakay na sa sasakyan. Grabe sobrang nakakamiss ang pilipinas. Mainit parin pero okay lang. excited nako makita sila sab!

Her luminous smile ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon