Chapter 28

30 2 0
                                    


2 days had passed since my treatment and i feel better na. I am currently doing my assignments when someone knocked on the door.

"Yes?" Sagot ko

"Lunch is ready ma'am."

"Okay nana."

Nagligpit lang ako saglit tsaka bumaba para kumain.

Ako lang magisang kumakain dahil nasa hospital si tito. Lagi namang ganito, tuwing umaga ko lang nakakasama si tito kumain, kung minsan hindi pa.

Mabilis lang ako kumain at uminom ng gamot tsaka bumalik sa kwarto ko.

Ganito lagi ang routine ko. Gigising, kakain, gagawa ng assignments o di kaya magrereview, magdradrawing ng kung ano ano, magbabasa ng libro tapos matutulog na.

Kapag pinapayagan ako ni tito lumabas, lagi kong kasama si lucas. Nakakahiya nga dahil minsan naiistorbo ko siya kapag may ginagawa siya sa site nila.

Nang matapos ko ng gawin lahat ng school related stuffs ay tinuloy ko naman ang drinaw drawing ko.

Simula nung dumating ako dito sa U.S nagdradrawing na ako ng mga illustration namin. Nakatapos narin ako katulad nalang nung group photo namin noon sa batangas, yung kaming tatlo nila sab at thrixie pati narin yung kami nila lucas, tyler at rex. Ngayon ang drinaw drawing ko ay kami nila luke, james, garry at cedric.

Sana matapos ko na to para masimulan ko na yung gusto kong idrawing, yung kaming dalawa ni luke.

Ilang oras din ang lumipas at busy parin ako dito nagdradrawing nang tumunog ang phone ko.

"Hello?"

"You busy?" Si lucas ang tumawag pala.

"Hindi naman. Nagdradrawing lang ako."

"Let's go shopping?"

Namilog naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "Really!?"

Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. "Maligo kana at magbihis. Ipapaalam lang kita kay tito ali."

"Yey! Be here after 30mins ha"

"What? Ang tagal naman!" Angal nito

Napanguso naman ako kahit di niya nakikita. "Syempre maliligo pa ako, mag aayos pa ako"

"Alright. Be there in 15mins." Bakas ang pang aasar sa tono niya.

"Aish! Bahala ka nga!" Di ko na inantay ang sasabihin niya at pinatayan na siya ng tawag.

Nagligpit lang ako tsaka dumeretso sa banyo para maligo na.

Binilisan ko nalang ang ligo ko dahil nakakahiya naman kay lucas kung pag aantayin ko siya.

Nagbihis ako ng simpleng leggings at oversized t-shirt. Nagrubber shoes narin ako para comfy.

Hindi na ako magmemake up dahil tinatamad ako. Nagsuklay lang ako at nagspray ng perfume.

Ofcourse nagdala na ako ng sling bag. Dun ko ilalagay ang phone ko, wallet, alcohol at inhaler ko kung sakaling hikain ako.

Palabas na sana ako ng kwarto ng may nakalimutan ako.

"Ah! Mask pa pala!"

Dali dali akong pumunta sa drawer ko at kumuha ng disposable mask. This is a must lalo na sakin na may sakit.

Pagbaba ko nakita ko si lucas na nakaupo sa sofa sa sala namin.

"5 minutes late" saad nito habang nakatingin sa relo niya

Her luminous smile ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon