Chandria's POV
Mabilis lumipas ang araw, halos dalawang linggo narin ang nagdaan simula nung first day of school namin. Kahit papano nageenjoy ako lalo na at kasama ko ang mga barkada ko. Thursday ngayon at may P.E kami, may performance task kami ngayon sa prof namin sa P.E at yun ay maglaro ng badminton actually hindi ako magaling sa sport na ito marunong lang dahil ang mas gusto ko e volleyball pero baka sa susunod na linggo pa ipapalaro samin yun. Natapos kami maglaro at nagenjoy kami, naalala ko pa yung laging sinasabi ng prof namen na "pinapagawa ko ito sainyo hindi para makicompete sa mga classmate niyo, kundi ang magenjoy kayo at magkaroon ng parang bonding time sa isa't isa, wag niyong isipin ang pagka panalo o pagka talo niyo dahil ang mas importante ay ang mga natutunan at mga nabuong ala-ala ninyo kasama ang mga kaklase niyo." Napaka ganda ng sinabi ng prof namin pero syempre individual grading parin yan para sa performance task namin. Break time na namin at nandito kami ngayon sa canteen kumakain syempre kasama sila sab at thrix pati narin yung tatlong lalaki.
"Laging talo sakin kanina si thrix HAHA wala atang naging puntos nung ako ang kalaban niya HAHAHA" sabi ni tyler sabay hawak pa sa tyan dahil sumasakit pa ata dahil sa kakatawa
"Che! Ang daya mo kaya tyler hindi moko pinagbibigyan hmp!" Nagtatampong sabi ni thrix sabay subo ng french fries nya
"Anong hinde? Halos nagpapatalo na nga ako kanina pero hindi ka parin makascore HAHAHA ang arte mo kasi ayaw mo kumilos ng maayos" nangaasar na sabi ni tyler
"E syempre! Nakakadiri kaya pag sweaty ka! I don't want to look haggard lalo na nandun si hottie luke hihihi!" Maarteng sabi ni thrix
Napairap naman ako dahil naalala ko si yabang, lately kasi parang ang hilig niyang mang inis kahit hindi nya kaclose pinagtritripan nya tapos pag may napahiya sa klase sobrang lakas kung tumawa. Apaka yabang talaga.
Speaking of, kakapasok nila sa canteen at ayan nanaman nagtitilian nanaman ang mga tao sa loob canteen na akala mo nakakita ng artista e isang hambog at mayabang lang naman ang pumasok. Kasama niya yung tatlong nakikita ko din dito sa campus at madalas sila ang magkakasama kapag break time. Napansin ko pa na papunta sila dito sa table namin kaya nilibang ko nalang yung sarili ko at kinain ang breadstix ko."Uyy lucas!" Bati ng bagong dating dito sa table namin
"Uy cedric! Ngayon lang ulit tayo nagkita ha? Kamusta?" Sagot naman ni lucas at tumayo upang lapitan yung cedric
"Ayos lang naman ako pre ganun parin loko-loko HAHAHA" natawang sabi nung cedric at pati si lucas natawa narin
"Oo nga pala pakilala kita sa mga barkada ko eto si-" naputol si lucas sa pagsalita dahil sumingit si thrix
"Hi! I'm thrixie but you can call me your sweetheart" malanding pagpapakilala ni thrix at may pa hand shake pa
Natawa naman ako ng mahina at napansin ni thrix yun kaya sinipa nya ako sa ilalim ng table napa "ouch" nalang ako sa ginawa nya
"Oh calm down lady, by the way i'm cedric nice meeting you thrixie" tinanggap naman ni cedric ang kamay ni thrix at parang napatirik pa ang mata ni thrix nang maglapat ang kanilang balat. Hay napaka landi ng bestfriend ko
"Uhm o-okay, eto naman si sabrina" naiilang na pakilala ni lucas kay sab
"Hi" tipid na sabi ni sab at ngumiti ng konte
"At eto naman si chandria" pakilala ni lucas sa akin
"Hello" tipid din na sabi ko sabay ngiti
Pinakilala pa ni lucas sila rex at tyler at mukhang magkakasundo naman ang mga lalaki
"Ah ako naman, eto si garry" turo ni cedric sa kanan nya, ang lalaking may kulay ang buhok, ash gray, cool ha
"Hi guys! Nice meeting you" masiglang sabi ni garry
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Teen FictionAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...