Nakatayo ako dito sa balcony ng kwarto ko. It's almost 11pm at hindi ako makatulog kaya heto at nakatambay muna. Halos dalawang araw na ang nakaraan ng magising si luke. Hindi pa siya pumapasok. Hindi ko narin muna siya binisita dahil nahihirapan ako. Ang sakit kasi na harap harapan kang sasabihan ng 'sino ka?' O di kaya 'i don't know you' diba ang sakit. Hindi tanggap ng puso ko na nagka amnesia siya. Parang panaginip na gustong gusto ko ng gumising kasi hindi nakakatuwa. Simula nung nagising na siya at wala siyang maalala, sobra akong naapektuhan. Hindi ako makapagfocus sa lessons namin. Hindi ako makapag cope up. Alam mo yun, nahihirapan akong magfocus sa isang bagay kasi ang laman ng isipan ko e kung pano namin maibabalik agad agad ang ala ala ni luke. Isa pa si thrixie, hanggang ngayon hindi parin siya pumapasok. Binisita namin siya kahapon after school, ganun parin ang lagay nya. Hindi na nga namin alam ang gagawin sa kanya e. Ang daming problema. Ang daming kailangan isipin. Nakakabaliw.Nakatukod ang dalawang siko ko sa harang ng balcony habang nakatingin sa daan na puro streetlights at mga bahay na patay na ang ilaw. Paniguradong tulog na ang mga kapitbahay.
Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. Hindi ako nag abalang lingunin ito, baka sila mommy o manang rosa lang yun.
Naramdaman ko ang presensya nito sa likuran ko.
"Hey honey, not yet sleepy?"
Lumingon ako at nakita ko si mommy na nakapagtulog narin at may hawak na dalawang baso. Inabot nya sakin ang isa.
"Thanks mom." Sagot ko sabay simsim sa baso. Tsaa pala.
Tumabi sakin si mom at tumingala sa kalangitan. "Still thinking about luke?"
Medyo nagulat ako sa tanong ni mom kaya hindi agad ako nakasagot bagkus tumingin nalang din ako sa langit.
"Daming star no?" Si mom
Tumango naman ako. "Yeah"
"Sabi sakin nila lucas kapag bumibisita sila dito sa bahay na ikaw daw ang brightest star para sa kanila."
Napalingon naman ako kay mom sa sinabi nya. Brightest star huh?
"They said that you give light to them. They always see you as the jolly and adventurous cha. They always say that you're the sunshine in the group. Pero anong nangyayari ngayon? Why is the light starting to fade?" Nagtama ang tingin namin ni mom at nakitang kong kumislap ito. Nangingilid ang mga luha ni mom.
Malungkot akong ngumiti. "Pwede naman sigurong magpahinga ang ilaw diba mom? Hindi naman pwedeng lagi nalang masaya, na lagi nalang maliwanag. The sunshine needs to rest too."
Tumango naman ito ng mabagal. "Pero how long? Hanggang kelan magpapahinga ang ilaw?"
Nagkibit balikat naman ako. "Kapag okay na ang lahat. Kapag bumalik na ang lahat sa dati. Kapag kaya na ng ilaw na magpasaya at magbigay liwanag sa lahat."
Ngumiti naman ng mapait si mom. "Are you tired, sweetie?"
Natigilan ako. Am i tired? Already?
Ngumiti ako ng pilit at pinigilang tumulo ang luha sabay tango. "Yes mom, sobra. And i don't know hanggang kelan ako lalaban. I want to stay mom that's why i'm still fighting even though i'm very tired. I don't wanna leave yet. Not now. It's too early." Tapat na sagot ko
Nakita ko naman ang luhang tumakas sa mata ni mom. Agad ko naman itong pinunasan ng aking daliri.
"Don't cry mom. I'm not gonna leave you. I'm choosing to stay. I need to stay. For you. For dad. For lucas. For l-luke."
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Teen FictionAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...