Chapter 25

29 1 0
                                    


Thursday na at may P.E ulit kami ngayon, this time volleyball ang lalaruin namin. Gusto kong maexcite pero parang wala akong energy at wala ako sa mood dahil nga nagluluksa parin ako sa pagkawala ni cedric.

Nandito kami sa locker room ng babae at nagpapalit na ng pangP.E. Hanggang ngayon hindi parin pumapasok si thrix at inexcuse na namin siya para hindi na magtaka ang mga teachers.

"Pano kaya natin maeenjoy ang laro ngayon kung ganito tayo, nagluluksa at nagdudusa." Biglang sabi ni sab habang nasa tabi ko at nagtatali ng sintas ng sapatos.

Tumikhim ako bago nagsalita. "Siguro ipagpaliban na muna natin. Let's enjoy this. I think we need a break din sa mga nangyayari."

Nagkibit balikat naman ito. "Siguro nga. Tara na."

Tumango naman ako at pumunta na kami sa gym.

Pagdating namin nandun na halos lahat ng classmates namin at yung prof din namin sa physical health.

Grinupo muna kami, then nagbigay ng instruction and prof namin bago kami nagsimula.

Nakaupo palang ang team ko since hindi pa naman kami ang maglalaro. Nauna ang group 4 at 3, then grupo namin at group 1 naman mamaya.

Kagrupo ko si tyler at si sab naman sa 3 at si lucas sa 4. Si luke naman ay sa group 1.

Naging mainit ang labanan ng group 3 at 4, laging dikit ang score nila pero dahil meron si sab sa kanila at ang isang varsity sa volleyball na si marie, nagawa parin nilang ipanalo ang grupo nila.

Nang matapos ang laro lumapit si sab sakin at nakipag apir.

"Nice! Congrats sab!" Masayang bati ko

Ngumisi naman siya. "Syempre ako pa?"

Natawa ako. "Ang yabang ha"

Tumawa din siya at maya maya lumapit si lucas samin.

"Sab alam mo naka tsamba lang yang grupo mo e!" Reklamo nito

Sab laugh sarcastically. "Duh! Di mo lang tanggap na natalo kita!"

Natawa naman ako. "Hey it's just a game"

Tumingin sila pareho sakin. "What?" tanong ko

"Argh! Nakakainis ka sab! Ngayon lang to tandaan mo. Pinagbigyan lang kita ngayon" gigil na saad ni lucas na ikinatawa namin ni sab

Nagmake face naman si sab. "Ulol! Di mo lang tanggap e! Weak! Weak!"

Pumito na ang prof namin para tawagin ang susunod na maglalaro.

Nagpaalam na ako sa kanila at nag 'goodluck' sila sakin.

Pumwesto na kami at nagusap saglit para sa teamwork.

Maya maya nagserve na ang kabilang grupo dahil nanalo sila sa toss coin kanina.

Madami silang error na ikinatuwa ng grupo ko dahil nabibigyan kami ng chance na lumamang sa scoring. Nang matapos ang first set, kami ang nanalo with a score of 25-20.

Ang problema sa group 1 ay puro error pero magaling sila dumipensa pero hindi namin hahayaan na matalo nila kami knowing na may price daw ang mga mananalong grupo. Sila sab ay may price na for sure.

Sa second set ay natalo kami. 25-24 ang score kaya nainis ang mga kagrupo ko dahil naunahan nila kami.

"Okay lang yan! May chance pa tayo guys!" Saad ko habang timeout palang.

"Wag niyong hahayaan manalo ang group 1, mataas na grade ang ibibigay ng prof sa mga mananalo plus libreng pagkain sa breaktime." Si tyler

Naganahan naman kami sa sinabi ni tyler kaya naman ginawa namin ang lahat para manalo.

Her luminous smile ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon