Dalawang araw na ang nakalipas simula nung dumating kami dito sa pilipinas nila dad. Agad din silang bumalik sa trabaho. Ako naman ay nanatili dito sa bahay kasama ang mga kasambahay. Dumadalaw sila sab dito kapag may free time sila. Si luke ay dumadalaw din dito lagi kapag hapon o gabi, kapag tapos na siya sa trabaho niya.Alas kwatro ng hapon na at nakatambay ako dito sa terrace namin dito sa second floor.
Tahimik lang akong nakaupo at pinagmamasdan ang labas at ang kalangitan.
Napahugot ako ng malalim na hininga. "Isang linggo. Isang linggo nalang." Bulong ko sa sarili ko. "Kaya pa. Konti nalang. Malapit na."
"Dein" napatigil ako ng narinig ko si manang rosa. Lumingon ako sa kanya at may dala siyang tray na may meryenda.
Lumapit siya sakin at nilagay ang tray sa lamesang malapit sakin. "Kainin mo itong dala ko, pagkatapos ay inumin mo na ang gamot mo." Bilin nito
Tumango naman ako. "Opo manang. Salamat po."
Ngumiti naman ito tsaka iniwan ulit akong magisa dito.
Napapansin ko na lalo akong nanghihina at laging walang gana kumain. Kung minsan nga iniinom ko ang mga gamot ko kahit walang laman ang tyan ko. Sobrang putla ko narin at napapansin iyon nila mommy at daddy.
Tinaas ko ang sleeve ng tshirt na suot ko. Lumitaw naman ang malaking pasa sa braso ko na nakuha ko kahapon, naglalakad ako paakyat sa kwarto ng nahilo ako bigla at napasandal sa hawakan ng hagdanan namin. Hindi naman ganun kalakas ang pagkakasandal ko o pagkakatama pero nagtamo ito ng malaking pasa.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Ininom ko ang gamot ko at hindi na nagabalang galawin ang pagkain.
"Hindi ba masama ang uminom ng gamot na hindi pa kumakain?"
Napalingon ako sa likod ko. "Luke"
Ngumiti naman siya at lumapit sakin. He planted a soft kiss on my forehead.
"Hindi ka nanaman kumain." Sabi niya
Ngumiti ako ng pilit. "Busog pa ako." Kahit ang totoo ay hindi pa ako kumakain simula kaninang umaga
"Wag mokong lokohin cha. Kakasabi lang ni manang rosa na hindi kapa kumakain simula kaninang umaga."
Napanguso naman ako. Wala na buking na.
Tumabi naman siya sakin. "Something's bothering you?"
Napatingin naman ako sa kanya. Pinagmasdan ko siya. Nakasuot pa siya ng office attire niya. Mukhang kakatapos niya lang magtrabaho at dumeretso dito sa bahay.
"Dein? You okay?"
I flashed a small smile. "Yup"
"Kung ganun, eat this" tsaka nya kinuha ang cookie sa table at akmang isusubo sakin
"I want to go back to batangas." Saad ko na ikinatigil niya.
"What? Anong sinasabi mo cha?"
"Bring me back to batangas. Please luke."
Kumunot ang noo nito. "Why? Alam ba nila tito deinel ito?"
Umiling ako. "Sasabihin ko palang mamaya pagkauwi nila"
"Bakit bigla kang nag aaya na pumunta sa batangas?"
Tumingin naman ako sa labas. "Pinakamemorable na lugar para sakin ang batangas. Iyon din ang unang lugar na pinuntahan natin, na kumpleto pa tayo. Gusto kong balikan yun."
"Cha"
"I want to see taal for the last time luke." Tumingin naman ako ng deretso sa kanya. "I want to see the church for the last time. I want to go there with you, with you all."
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Teen FictionAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...