"Are you good?"Ngumiti naman ako. "Ofcourse mom"
I saw her sighed in relief. "Kapag maayos na ang kumpanya dito, magbabakasyon kami ng daddy mo jan dein."
Sumubo muna ako ng pagkain ko bago sumagot. "Hmm, ayusin niyo na muna ang mga kailangang ayusin sa kumpanya mom. Don't worry about me, nandito naman sila tito ali pati narin si lucas na babantayan ako."
"Syempre anak namimiss kana rin namin. You don't know how much we want to go there para makasama ka, para may kasama ka whenever you need to go treat your illness."
Ngumiti ako ng malungkot. "As long as you and dad are fine, i'm also fine mom. Don't worry about me. Kayang kaya ko kaya yung treatments ko!" Pagmamayabang ko
Saglit namang natawa si mom. "Don't you dare skip any of your treatments dein ha." Panenermon nito. "Sinasabi ko sayo, kapag nagsumbong nanaman si tito mo o kahit si lucas, hindi ako magdadalawang isip na sabihin sa daddy mo yang ginagawa mo."
Nasamid ako sa sinabi ni mommy kaya inabutan ako ng tubig ng kasambahay namin.
"Mom! Wala na nga akong ginagawa e. Nagpapaalam na ako kay tito kapag lalabas kami ni lucas. Hindi narin naman ako nagskiskip ng treatments ko."
Nakita kong umirap si mom. "Magtino kana dein. Ang tanda tanda mo na para sa mga ganyang bagay. Isipin mo na may sakit ka! Hindi ka pwedeng basta basta lalabas ng bahay dahil madali kang dapuan ng viruses o anumang sakit na makuha mo kakalabas!"
Napanguso ako. "Alright..."
Narinig kong nag 'tsk' si mom. "Sige na, finish your meal. Pupunta na ako sa office."
Tumango naman ako. "Ingat ka po"
"Yeah. I love you sweetie"
Napangiti naman ako. Hays si mom nalang ang nagpapakilig sakin.
"I love you too mom! Pasabi din kay dad na miss ko na siya and i love him!"
Mom smiled. "Alright. Take care sweetie"
"See you soon"
I saw sadness on mom's eyes. "See you baby"
Pagkatapos ay in end na nito ang tawag at tinapos ko narin ang pagkain ko.
It's already 2pm yet tito ali's still not here. May treatment ako ngayon pero wala pa siya. Baka may pasyente pang inaasikaso sa ospital.
I keep myself busy by watching kdrama on tv dito sa sala namin while i wait tito ali.
"Ahh jinjja" napailing ko. "Lee jong suk is so handsome!"
Adik na ako sa krama. Alam ko. Huhu
Maya maya lang may narinig akong tunog ng sasakyan sa labas. I bet that's tito ali's car.
Kaya naman tumayo ako at pumunta sa front door.
Nakita ko siyang kakalabas sa sasakyan niya. Napalingon siya sa akin at umaliwalas ang mukha.
"Ah akala ko tumakas ka nanaman e." Sabi nito nang makalapit sakin
Nagmano ako bago sumagot. "Tito naman e! Ang tagal ko ng di ginagawa yun." Ngumuso ako
Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. "Halika na, simulan na natin para makapag pahinga ka ng mahaba."
Tumango naman ako at sumunod sa kaniya papunta sa parang mini clinic niya dito sa bahay. Dito nagaganap lahat ng treatments ko simula nung inuwi na ako dito galing ospital.
Hindi ko alam kung ilang oras ang tinagal ng treatment ko. Naramdaman ko nalang na nilagay nila ako sa stretcher at dinala na sa kwarto ko.
Naramdaman ko naman ang malambot na kama ko. I'm super sleepy because of the treatment.
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Teen FictionAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...