Chapter 13

26 3 0
                                    


Chandria's POV

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw. Arghhh gusto ko pa matulog! Sino ba kasi naghawi ng kurtina? Damn!

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at tinignan ang paligid. Tulog pa si sab dito sa tabi ko, pati si thrix tulog na tulog sa kabilang kama.

Pare parehas kaming hindi naka pag palit kagabi dahil sa antok at lasing narin. Pano ba naman, bumili sila ng mga alak tapos uminom kami habang nagbobonfire. Masaya nga sobra, pero hangover naman ngayon ang kapalit. Damn buti nalang hindi ako hinika. Bawal pa naman sakin alak. Patay ako kila mommy nito.

Naalala ko pa kagabi na pinigilan ako nila lucas uminom pero i insisted. Gusto ko lang naman magsaya kasama sila. Kaya ayun wala silang nagawa kundi payagan ako pero konti lang daw ang iinumin ko. Di lang nila alam inaabutan ako ni thrix ng alak patago kaya naparami tuloy ako at eto ako ngayon, hindi ko alam kung pano kami nakarating dito sa kwarto.

Ang kaya ko lang maalala e yung mga kalokohang ginawa nila kagabi. Katulad nalang nung binuhat nila cedric at garry si tyler papuntang dagat. Naligo tuloy siya ng walang oras. At tulog siya that time a. Sa kalasingan e nakatulog siya tapos napagtripan nila cedric at garry. Nang gulo pa sila garry at rex dun sa kubon na may mga nagpaparty party. Muntik pa silang mapa trouble. May mga hinarot silang babae, mga babaeng taken pa. Kaya ayun muntik na silang mabugbog nung mga jowa nung babaeng nilapitan nila. Buti napigilan namin. Naalala ko pa na nagsayaw sila thrix at sab ng sayaw na hindi ko maintindihan kung pop ba o pang tribo e. Basta sumayaw sila sa gitna. Pinaikutan nila yung apoy. Ganyan yang dalawang yan e. Mga party girls. Minsan nga pumunta sila sa bahay madaling araw na yun. Nambulabog sila para lang maki inom ng tubig. Dun ko na sila pinatulog that night at yun na ang last na mag aalaga ako ng lasing! Sobrang wasted nila at sumuka sila all over my room! Nakakadiri sila!

Nalalasing din naman ako, nagiinom. Very typical teenager lang. Ineenjoy ang pagiging dalaga. Pero may limit. Ganun. Iinom lang ako pag may occassion. Tapos sa bahay pa. Di ako pwedeng pumunta sa mga bar or party sa bahay ng mga classmates namin. Dipende kung kakilala at pinagkakatiwalaan nila daddy.

Dahan dahan akong bumangon para magshower para mahimasmasan kahit papano. Hinayaan ko na muna sila sab at thrix na matulog. 9am palang ng umaga, akala ko tanghali na.

After ko naligo, nagpalit lang ako ng maong shorts at spaghetti strap na sando. Pupunta ako sa resto ng resort para mag breakfast. Kahit tapos na ang free breakfast nila. Sayang naman late na kasi ako nagising.

Kinuha ko ang wallet at phone ko pati yung duplicate card ng kwarto. Then lumabas na ako para pumunta sa resto. Umaga palang pero madami na akong nakikitang tao dito sa gilid ng dagat. Mga nakatambay. May mga naglalakad lakad lang. Picture picture. Ganun lang pero kita mo sa mga mata nila na nageenjoy sila dito sa resort. Kami din nageenjoy dito hihi.

Pagdating ko sa resto kokonti nalang ang mga tao. Wala narin yung free breakfast buffet nila kaya naman umorder na ako ng breakfast ko. Kahit papano may cash ako kaya makakabili ako. Nagwaffles and fresh fruits lang ako then coffee, pantanggal ng hangover. Umupo ako sa bakanteng upuan sa medyo gilid na pwesto. Inantay ang order ko at tumingin tingin sa phone ko.

Nagscroscroll lang ako sa gallery ko, naghahanap ng mga pictures na pwedeng isend kila mommy at pwede ding ipost. Pinanood ko din yung videos ko. Maya maya dumating na yung food ko at tahimik naman akong kumain. Magisa. Baka tulog pa sila lucas o kaya tapos na nagbreakfast at bumalik sa kwarto nila para matulog ulit.

Okay naman kumain ng magisa. Pinapanood ko yung mga tao sa may dalampasigan na masayang naglalakad, mga batang naglalaro sa buhangin. Maya maya ay may humarang sa harapan ko. Inangat ko ang tingin ko sa walang manners na taong humarang sa harap ko.

Her luminous smile ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon