Ilang araw narin ang lumipas pero gumugulo parin sa isipan ko yung sinabi ni thrix sakin sa grocery store noon. At ang mas naguluhan pa ako dahil nitong mga nakalipas na araw ay iniiwasan ako ni luke. Well hindi bago yun dahil minsan lang naman kami magusap kapag kailangan lang. Pero kasi ngayon e lalapitan ko sya para magtanong about sa academics kaso ang sagot nya 'ewan' 'siguro' o kaya naman tatango lang o kikibit balikat lang.Anong problema kaya nun? Hindi naman yun ganun dati a. Haysss ewan wag ko na nga problemahin yun. Nastrestress ako!
~~~~~
Ilang araw nalang matatapos na ang first sem namin which means may 2weeks vacation kami! Yeyyy! And oo pala bago mag sembreak mageexam pa pala kami. Haysss apaka stressful pero exciting kasi madami kaming plano nila sab at thrix sa bakasyon! Yeyyyy!
Nandito kami ngayon sa open field ng school, nakaupo sa damuhan habang nag grogroup study. Busy lahat ng estudyante ngayon, karamihan nasa library at dun nag aaral o di kaya naghahanap ng notes. Kami naman eto ang trip, since vacant namin at mamayang 2pm pa ang next subject namin ay napagdesisyonan naming mag aral dito sa open field.
Kaming magbabarkada ay may goal, ang maging dean's lister sa buong college year namin. Kailangan consistent kami kaya naman para walang mapag iwanan ay tulong tulong kaming nag aaral at tinuturuan ang isa't isa.
Kahit sila thrixie at tyler ay seryoso ngayon, mga grade conscious din yan kahit loko-loko at palabiro.
Kasalukuyan kaming tinuturuan ni lucas ng proper way para maka memorize ng mabilis at epektibo nang biglang sumagi nanaman sa isipan ko si luke. Lately, lagi siyang laman ng isipan ko kahit na ayoko syang isipin ay kusa nalang magpopop sa utak ko yung muka nya. Ano bang nangyayari sakin?
Hindi kasi ako sanay na may taong hindi ako pinapansin o yung parang umiiwas o lumalayo sakin. I just don't like the feeling.
Si luke naman kasi, ilang linggo at naging buwan na ang nakalipas ay hindi parin nya ako pinakikitunguhan katulad ng pakikitungo nya sa iba. Feeling ko nga na a-out of place ako sa room kasi ako lang yung hindi pinapansin ni luke. Bakit ba napaka big deal na sakin nito ngayon? Si luke? Si feelingeluke big deal na sakin. Hays ewan ko ba, di na nga ako makapagfocus sa mga nirereview ko.
Napatigil ako sa pag iisip nang biglang may nambatok sakin
"Aray ko naman! Pwede namang kalabitin lang ako diba!?" Inis na sabi ko sabay himas sa batok ko
"E kasi naman po kanina kapa tulala jan at parang ang lalim ng iniisip mo. Parang nasa ibang dimensyon kana at di ka namin ma reach cha-cha!" Paliwanag ni sab sakin at may pa action pa sa last na sinabi nya
"Iniisip ko lang ule yung mga pinag aralan naten this past few days" mataray na saad ko
"Talaga lang ha? O baka naman iba ang iniisip mo ha?" Pagtatanong ni thrix sakin
Hay nako ako nanaman ang kino-corner nila. Ano bang gusto nilang marinig na paliwanag ko?
"Ano naman sana yung 'iba' na sinasabi mo aber?" Mataray na tanong ko kay thrix
"Baka kasi iniisip mo nanaman si lu-"
"Gutom ako! Tara muna kumain guys bago tayo magcontinue sa pagrereview" pinutol ko na agad ang nais sabihin ni thrix at binigyan sya ng matalim na tingin
Talaga kahit kelan walang preno ang bibig ng babaitang yan
"Oo nga lucas tara na muna gutom na yung alaga ko e" pagmamakaawa pa ni tyler
"Anong alaga meron ka?" Takang tanong ni sab
"Anaconda, gusto mo makita sab? Alin ba yung nasa tyan ko o lower pa?" Tinaas baba nya pa ang kilay nya
BINABASA MO ANG
Her luminous smile ✔️
Teen FictionAll i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung tao lang din naman ako at nakakaranas ng iba't ibang problema o suliranin? I've met a guy from my fir...